Key-ses Story Part One

53 10 0
                                    


Nasa Sky Creek Island siya dahil sa kasal nila Chrome and Joshua nagbabantay sya sa paligid baka sumugod si Eljevreil

Si Eljevreil ay diyos ng kawalan ayaw nun sa lahat maging maligaya ang iba. At nakakita ng mga kapwa bathalang kinakasal. Kung hindi ko lang kilala ang isang iyun at naging malapit kami  din sa isa't isa iisipin kong bitter siya. Pinaparusahan niya ang mga bathalang mahihina na ibig lang maging maligaya. Minsan hindi ko maintindihan ang takbo ng utak nun!? At minsan din gusto ko siyang turuan ng leksyon para matuto magmahal at magkaroon ng respeto sa ibang bathala.

Dayanara tapos na po ang kasal hindi po ba mayo lalapit para batiin ang bagong kasal!?. Pukaw iyun sa akin ni areis habang lutang isip ko. Tumingin ako sa gilid kung saan si areis.

Hindi na kailangan areis sapat na ito bilang bati sa kanilang dalawa. Kinumpas ko ang aking kamay para lumabas ang mga petals nasa palad ko. At pinaulan sa ibaba. Gumawa rin ako ng magandang karwahe na yari  mula sa andara zum para maging sasakyan nila patungo sa lugar kung saan sila magpupulot-gata. 

Kasalukuyan akong nakadapa sa ulap habang nanunuod sa mga kinakasal.

Dayanara kayo po hindi ba sumasagi sa isip mo ang paghahanap ng kabiyak tanong ni Aragon mula sa likuran ko.

Natawa ako ng bahagya tsaka bumangon. Umayos siya ng upo bago niya sinagot ang sinasabi nito.

Meron ng bathalang nakatakdang maging asawa ko halos pabulong na turan ko. Nakita kong nangislap ang kanilang mga mata dahil sa aking sinabi. Pero ayaw sa akin ng bathalang iyun! Malungkot kong dugtong. Hindi ko ibig pilitin ang lalake para lang pakasalan ako. Kung ayaw niya sa akin gagawa ako ng paraan para makaalpas ito sa ugsong ( porselas ) ng tadhana. Tutulungan ko siya pangako iyon.

Mahal na diyosa hindi po ba't bawal iyun sa HEIMFORMOON lalo na't kung malalaman ni starry ang plano mo. -Sinya.

Ikaw sinya bakit mas pinili mong makasama ako sa halip ang prinsipe? Tanong ko.

Dahil po hindi kami laan para sa isa't isa. At isang ispirito lamang ako malumanay niyang sagot.

Dahil nga ba dun? O dahil hindi ka minamahal ng prinsipe. Diritsong sabi ko. At sabay yuko.

Aking sinya huwag mong itago ang nararamdaman mo dahil itago mo man ng itago lalabas at lalabas din ang totoo mong damdamin. Tumingin ka sa paligid mo baka nasa tabi mo lang ang hinahanap ng iyong puso. Sinasabi ko iyun habang nakatingin kay flest.

Aalis muna ako paalam ni flest na masama ang tingin sa akin.

Flest pigil ko. May iuutos ako sa inyong dalawa ni sinya patungo sa andara zum binigyan niya ako ng nagbabantang tingin. Totoo nga? Giit ko. Sabay tawa ko ng malakas sa nakikitang kong awra niya. Magsalita pa ako aarangkada na niya ang kapangyarihan dilim sa akin.

Ikaw na nga lang Aragon ang kasama ni sinya papunta dun ayaw ni flest eh. Baling ko kay aragon pero ang totoo gusto ko lang asarin si flest.

Ano bang iuutos mo sabat niya.

Si Aragon nalang flest diba nga aalis ka pang-iinis ko pa. Aragon at sinya --- hindi niya ako pinatapos magsalita hinatak na ni flest si sinya paalis agad.

Naiwan silang humalakhak lahat.  Napuno nila ng tawanan ang buong iskay-u. Tuwang-tuwa sila sa pang-aasar kay flest.

Halatang halata si flest sabi ni plaque habang ngising-ngisi sa likod nila.

Matagal ko ng napapansin may pagtingin si flest kay sinya pero dahil mga ispirito sila bawal nilang ibigin ang isa't isa hanggang walang pahintulot mula sa akin bilang diyosa at bathala nila. At matagal ko na din binigay ang pagsang-ayon sa dalawa hinihintay ko na lang aminin nilang dalawa sa amin.

The Story Of ZomberusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon