Kabanata 22

58 13 0
                                    

Samuela  POV

Katatapos ko lang kausapin sa Cellphone si Kuya Ivan bestfriend ng ate Arizia. Hindi ko pa malalaman ang nangyayari sa kanila sa Bulalacao kung hindi pa ako tumawag sa binata. Hindi man lang nagsabi sila momsi samantalang kausap ko lang sila kahapon ni popsi. Pinagtatakpan na naman nila ito?

"Ano naman ba ate ang ginagawa mo nanggigigil na kausap sa sarili. Hindi na sila naubusan ng problema. Malapit sila ng ate Arizia ko kahit na madalas inaaway ko siya hindi ko siya nakitaan nagalit sa akin. Madalas ko s'yang sungitan, pag-taasan ng boses at gawan ng kalukohan hindi pa rin sya nito pinapatulan hindi sila lahat nakatikim ng galit nito. Masyado s'yang mabait at mahaba ang pasensya. Hindi kagaya kong madaling mag-init ang ulo. Nagbago lang naman ang lahat ng malaman kong hindi ko siya tunay na kapatid. Hindi siya ang totoong  Ate Arizia ko. Isa lang itong ampon. Nawalan ako ng amor ng matuklasan ko iyon?. Mataas ang tingin ko sa kanya nung una pa! Isa siya tinurin kong karibal sa lahat ng aspeto. Masyado s'yang mapapel! Gaya nalang sa angkan nila ito na nga  ang saling-pusa lagi  pa itong bida at bukam-bibig ng lahat kesyo gayahin ko ito. Minsan nga sa tuwing pagagalitan ako nila mama at papa hindi puwedeng mawala ito sa eksena. Mabuti pa ang Ate Arizia mo hindi sakit ng ulo samantalang ako daw sobrang tigas at pasaway. Kaya't naging isa sa naging dahilan ko ang ate upang umalis sa poder nila. Hindi ako napapansin kapag mag kasama kami sa iisang  bubong. Masikip ang bahay nila sa amin dalawa.

"Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon sa balitang nalaman  ko kay kuya Ivan. Bakit hindi nila sinasabi?mahigit dalawang linggo ng nawawala ang ate ayon kay Ivan. Tumawag ako kanina din ng malaman ko! katunayan naka 20 miscol na ako sa cellphone ni momsi bago nito sinagot ang tawag ko. Gush! wala pa s'yang maintindihan sa paputol-putol ng salita ni momsi malinaw lang ang paos at hikbi niya. Naiinis ako kapag umiiyak si Momsi at ang dahilan nun ay si Ate Arizia. Dumulas sa kamay ko ang cellphone nasa palad. Nilaro-laro kasi niya habang nag-iisip ng malalim.

" Oh! Sam? tawag ng kasamahan ko sa trabaho.

"Problem? Panghuhula niya.

" Ano pa nga ba? Ikling sagot ko. Ngumiwi ako ng lapatan ang pisnge ko ng dala niyang Buko Juice. Natawa ito sa naging reaksyon ko.

"Ano iyan, lovelife? Urirat niya.

" Umiling ako. Tungkol sa ate ko tamad kong sagot.

"Woohh, bago iyan ah? Ano raw? Dali na e-share mo baka makatulong ako!

" Nag-aalangan akong mag-bukas ng saloobin dito nasanay kasi akong sinasarili ang lahat ng problema ko sa buhay mapa-lovelife man o sa career.

"Ilabas mo iyan! Sige na magkuwento ka baka matulungan kita at lumuwag 'yang dalahin mo sa'yong dibdib.

"Napangiti ako sa tinuran niya.

" Kung ikaw ba ay ako? Umm! ano ang mararamdaman mo kung iyong matagal mo ng kasama kinilalang ate at nakasanayan na laging sa tabi mo mula pagkabata ay biglang malaman mong hindi pala kayo magkadugo? Mali ba ang maghinanakit? Gusto kong magalit pero hindi ko magawa. Gusto kong manumbat pero hindi ko kaya.

"Mukhang mahirap iyan ah? Aniya. Pati ito nadamay sa stress ko.

" Sabi ko na nga! wala kang maitutulong sa akin binahiran ko ng talikod siya. Padaskol akong umupo sa bangkito habang nakausli ang bibig nakatitig sa mga paa ko.

"Ano ka ba! Hindi ka na mabiro! Ito talaga? So family problem pala? Aniya. 

" Kasi naman! Ikaw eh!? "

"Lam mo Sam? di tayo close pero puwede naman tayong maging mabuting magkaibigan. kaso ikaw lang eh, madalas gusto mong mag-isa. Huwag mong solohin ang problema?

The Story Of ZomberusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon