Kabanata 23

56 13 0
                                    

Sina Tzuyu ( Twice ) at Kim taehyung ' V ' ( BTS ) ang napili ko sa Character nina Samuela at Yuan. Bakit?  Gusto ko lang!



Tuloy




Ganda ng mungkahi eh! Palatak ni Zoey.

Baka sa halip na may bumili kumaripas sila ng takbo natatawa naman sabi ni Pamela. Kagaling ng bata mag-isip! Aniya.

Puwede naman Yun! Giit ni Echard sabay kamot nito sa batok.

Hey_hey awat na! Balik ka na ulit sa lungga mo nang walang masamok dito sa baba. Paabot ng tubig utos ko kay Pamela. Nasa likod lang nito ang pitsel. Nanikip bigla ang dibdib ko. Nagbuga ako ng hangin palabas.

Ayos ka lang, Te? Pansin ni Zoey sa akin.

Oo. Nakaramdam lang ako ng panghihina maya maya wala na din ito.

Sure kang ayos ka lang? Paniniyak niya pa.

Oo nga Sabi! Pingot ko ng ilong niya. Pabili ka ng tinapay sa palingke gusto kong kumain ngayon ng tinapay.

Spanish bread sa akin te hah! Aniya ni Pamela. Last week ang huli ko pang kain nun eh!

Akin ube! Dugtong ni Echard. Akala ko bumalik na siya sa taas gaya ng sabi ko. Lumabas lang pala pero nang marinig na magpapabili ako ng tinapay bumalik aba mga mabibilis.

Pera? Sahod ng palad ni Zoey sa kanilang dalawa. Gusto nyo ng tinapay diba? Akin na ang pambili?

Sabay silang tumingin. Te Samuela? Puppy eyes ni Echard. At pa-cute naman si Pamela.

Haay! Ito na nga ang pera dyan mo ibawas bumili ka din ng pangtulak. Abot ko ng 500.

Wala na tong sukli Te aniya ni Zoey.

Nangunot ang nuo ako.

Ang lagay walang pamasahe ang bibili. Si Zoey. Nag-angat pa siya ng kilay ng sabihin niya iyon sa akin.

Ayos ah! Daig mo pa ang metro ng Taxi?

Naman? Walang pamasahe walang Tinapay? Sabi niya pa.

Eh, di ako nalang ang bibili kuha ni Pamela sa palad ni Zoey ng pera. Dugaan pala ang labanan!

Akin na nga yan! Hablot nito ng pera. May Spanish bread ka na ngang ipabibili angkinin mo pa ang sukli. Gahaman ka din noh!? Pang-asar ni Pamela.

Sino Kaya? Ay nagsalita ang hindi gahaman? Balik asar naman ni Zoey.

Paghatian nyo nalang tatlo yong sukli. Sabi ko.

Oy! Hati daw? Ibig sabihin kasali ako dyan! Ani Echard.

Ako din? Ani Rexmo pababa ito ng ng Tricycle. 500? Hating kapatid ulit hah!

Hindi ka naman kasali? Matalas ng sabi ni Pamela. Eh kararating mo lang nga!

Ang gugulo nyo puwede ba mamaya na kayo mag-talo. Zoey lakad na! Utos ko na. Hindi pa sana ito tatalima kung hindi ko taasan ng boses. Pamela, may nabili oh? Turo ko sa labas naiinip na si Nanay kanina pa siya dyan!

Nagsusungit na naman siya? Dinig kong bulong nito bago pa lumabas. Palibhasa walang lovelife.

Naririnig kita Pamela.

Ate Sam anong oras ang alis mo ? Tanong ni Bunso.

"Bukas nalang siguro? Tinatamad akong mag-byahe ngayon eh! Baka masakyan ko lang byaheng Roxas. Alam naman natin kapag mga ganitong oras. Paniguradong pang-roxas ng van ang masasakyan ko then kailangan ulit ako mag-abang ng masasakyan papunta sa atin mabuti sana kung may magbabyahe din ng diretso patungo sa atin.

The Story Of ZomberusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon