ASAWA
LEEWARD POV
Buhat ko siya sa likod habang walang malay. Dalawang araw itong tulog kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa kanya.
Nakarinig siya ng yabag palapit sa direksyon nila. Naghanap ako ng pwede namin pagtaguan. Ginala ko ang mata sa paligid nakarating na pala sila sa patag ng hindi ko namamalayan. Ganoon ba ako kalutang kanina? Paano namin maitatago ang sarili sa mga halimaw na nagkalat sa paligid. Hinawakan ko ng mahigpit ang dalawang tuhod ni arizia nakasampay sa tagiliran ko. At sabay hinga ng malalim.
Umungol ito. Nilalamig ako leeward anas niya malapit sa punong teynga ko muntik ko na itong mabitawan kung hindi lang naging maagap ako sa pag-alalay. Ang lakas ng kiliti ko sa teynga. Sa ganun tagpo kami inabotan nung mga yabag na narinig ko. Nakaluhod iyong kanan tuhod ko sa lupa at nakatukod naman ang kanan kamay ko habang si arizia na karga niya ay inosenteng tulog nakasabit ang baba sa balikat niya at nakayakap ng mahigpit ang dalawang braso nito sa leeg ko.
Susmaryosep mga batang ire sa dami ng hotel sa bayan dito pa sa parang niyo naisip maglampongan aniya ng aleng nakatingin sa kanila may bitbit ng basket sa ulo. ( Nag-sign crossed pa ito ).
Mali po ang iniisip niyo lola wala kaming ginagawang masama sabi kong nahihirapan.
Lola hila nung batang kasama nito. Nasa 15 years old marahil ang edad nung bata sa hula ko. Hindi po sila nag-s-sex walang kiming sabi nito sa lolang madumi mag-isip. Tingnan mo po iyong girl nakapikit habang buhat nung lalake. Wala naman nag-s-sex ng halos balot na balot turan pa nito.
Eh,di nag-s-sex nga ikamu nakapikit ganoon talaga iyun apo kapag nasasara_______ tinakpan nung batang lalake ang bibig ng madaldal na lola. At nilapitan sila.
Pwede mo ba akong tulungan tumayo tila hindi ko maigalaw ang aking likod Sabi ko rito na nakikiusap.
Tinulungan siya nitong tumuwid ng tayo. Salamat sabi ko. Pasensya ka na sa lola ko ganyan lang talaga siya magsalita pero mabait naman sabi nito. Anong nangyari diyan sa kasama mo? Tanong nito nasa mukha ng kasama ko nakatingin. Pasimple kong inayos ang takip sa ulo ni arizia para takpan ang lumilitaw niyang buhok sa mukha. Hindi naman napansin nito ang ginawa ko. Pahamak talaga itong buhok niya mahina kong sabi. Kahapon kahel ngayon naman abohin ano bang klaseng nilalang itong bitbit ko.
Ate arizia? Sambit nung bata sa pangalan ni arizia. Ikaw nga tuwang tuwang bulalas pa nito. Sa wakas buhay ka. Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya. Anong nangyari sa kanya? Pagkuway baling sa akin.
Mamaya ka ng magtanong pwede mo ba muna kaming tulungan kailangan niya kasing magamot agad dalawang araw na siyang nilalagnat ng mataas. Pabago-bago ang temperature niya tuloy-tuloy kong sabi.
Tara dun sa bahay namin malapit lang iyun dito giniya siya nitong sundan niya ito. Paglampas ng tulay bago pa ang sinasabing bahay nito.
Nilapag ko ang dalaga sa papag na sinapinan ng banig. At Inihiga ko siya ng maayos.
Lumabas kayo sabi nung aleng pinakilala sa kanya ni Xander na nanay nito. Iyong xander ay pangalan nung batang tumulong sa kanila at si lola chacha naman iyong matandang green minded. Nagtaka siya bakit niya ako pinalalabas eh,kaming dalawa ni arizia ang magkasama.
Magtatanong pa sana ako ng hinila na ni Xander ang braso ko kasama niya palabas. Bitiwan mo nga ako palag ko. Ano ba? Reklamo ko pa. Bakit tayo pinalabas eh ako ang nagdala sa kanya dito sa inyo turan ko.
Chilax okay walang gagawin si nanay sa kanya pinalabas niya tayong dalawa kasi bibihisan nito si ate arizia kaya hindi tayo pwede sa loob wika nito. Eh,bibihisan niya lang naman pala bakit kailangan pa niyang paalisin tayo pwede naman magbihis sa harapan natin. Tutulungan ko pa siya sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Mystery / Thriller25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...