Anyo
Nagising si Arizia sa tama ng sikat na araw sa mukha niya. Feeling niya sinasadya iyon ng araw na patamaan siya sa mukha. Nameywang siya habang nakatayo ng tuwid paharap sa araw. Ikaw? Turo niya sa araw. Sa dami ng tao sa mundo ako pa ang napili mong patamaan! Todo irap niya habang sinasabi iyon.
Nagising si Warren sa boses ni Arizia. Bumangon siya nang marinig niyang muli ang sigaw nito. Hinanap niya kung sino ang kinakausap nito nang wala naman siyang makita tuluyan na siyang tumayo at nilapitan ang babaeng maaga pa lang ay nagsisigaw na.
Sinong kaaway mo? Maaga pa lang nagtatalak ka na!. Tanong ko habang nakatitig sa mata nito.
Siya? Sinundan ni Warren ang itinuro nito. Nasapo niya ang ulo nang nakaturo sa araw ang dalaga. Baliw yata pa ang nakasama ko! Hindi kaya saksakin ako habang natutulog!. Huwag naman sana hiling niya habang iniiling iling ang ulo na nakatingin rito.
Anong iniiling iling mo? Puna nito tinapunan ni Arizia ng tingin siya. Hindi ako baliw! Sabi nito nang tela mahulaan ang laman ng isip niya.
Wala akong sinasabi! Taas niya ng kamay sabay gala ng mata sa paligid. Sinenyasan niya itong manahimik. May naririnig siyang mga yabag na patungo sa kanila. Hinila niya ito sa may talahiban.
Kilala ko sila. Tukoy nito sa mga puting lalaki na tumigil sa harap nila. Tatayo sana ito nang mabilis niyang hinawakan ang braso nito para pigilan. Anong ginawa mo? Tinakpan ni Warren ang bibig nito para hindi makapag-ingay.
Pakiusap tumahimik ka! May diin niyang sabi. Kilala mo sila physically but not the whole life.
Huh? Anong ibig mong sabihin?. Hindi kita maintindihan! Nakita niya ang pagkalito sa mukha nito. Mariin niya pang diniinan ng palad niya ang bibig nito. Kahit nang kagatin siya hindi niya iyon ininda. Napangiti siya ng samaan ng tingin nito. Pinagwalang bahala niya na lang ang reaksyon iyon. Nang hindi na ito pumalag saka niya inalis ang kamay sa bibig nito.
Naghugas ka ba ng kamay? Sabi nito. Hindi niya ito sinagot tapos narinig na lang niya ang reklamo nito. Ang baho ng kamay mo! Karma ko ito nung isang linggo kasi tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ni Zoey katatapos ko lang non maglinis ng isda todo reklamo ang luka luka kong kapatid. Napahinto si Arizia ng pagsasalita ng samaan ito ng tingin ni Warren.
Just saying lang naman kung interesado ka pero mukhang hindi tatamik na ako. Sungit! Bulong pa nito na narinig niya.
Lipat tayo sa ibang tauhan:.
Nagising si Angela sa malakas na lagabog. Bumangon siya at tumayo upang tingnan iyon. Binuksan niya ang salamin ng bintana niya wala naman siyang nakitang kahina hinala sa labas. Hinayaan niyang nakabukas ang bintana para makapasok ang hangin masyadong mainit sa loob ng kanilang kuwarto saka bumalik sa kama. Nahimbing na sana siya nang makarinig muli ng lagabog. Malakas na iyon kompara sa unang lagabog. Nang lingonin niya iyon may nakita siyang dumungaw na tao paharap sa kanila. Mabilis itong nagbangon at nagtago sa loob ng cabinet. Iniwan ni angela ang matalik na kaibigan.
Nanginginig ang buong katawan niya habang naghihintay sa paglapit nung nakadungaw sa bintana nila sa may cabinet. Kasunod niyon malakas na tili galing kay sherrel ang narinig niya.
No. Tinakpan niya ang tainga. Ayoko na!! Tumigil na kayo paulit ulit niyang pakiusap sa aninong nasa harapan.
Angela? Wake up! Malakas na yugyog sa balikat niya. Galing kay sherrel ang boses na naririnig niyang iyon. Naramdaman niya ang malakas na lagapak na dumapo sa kanan pisnge niya. Natulak niya ito dahil dun!
Ano bang nangyayari sa'yo? Inis na sabi nito. Ang weird mo nitong nakaraan araw 'yon pa rin bang masamang panaginip na sinasabi mo sa amin ang napapanaginipan mo?.
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Mystery / Thriller25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...