Chapter 1

41.9K 404 13
                                    

Ako si Gwen Marie Chandel. Isa akong Slight Badass dito sa University. University of Martinez.

"Gwen" Tawag sakin ni Kyle Randel Aquino. Ang lalaking kina-babaliwan ko.

"Kyle" Kumaway ako sa kanya, Nakangiti siya habang nag lalakad papalapit sakin.

Ang gwapo talaga niya..... Pumupuso ang mata ko dahil sa aking niya na kagwapuhan.

"Let's go" Aya niya, Hinila niya ako sa kamay. How sweet...... Gusto kong isipin na may gusto siya sakin sa paraan ng pag hawak niya sa kamay ko. Nakapag salikop ang palad namin na.

Mag ka-hawak kamay kami habang tinatahak ang daan papunta sa library. Hays. Mag aaral na namn kami? Sawa na akong mag aral.

"Bakit ba kasi ang sipag sipag mong mag aral? Sumasakit lang ulo ko kaaral. Mag gala nalang tayo"

"Hindi pwede Gwen, Para sa Future natin ito. Nakalimutan mo na ba? Gusto kong maging maganda at maging maayos ang buhay natin balang araw" Namilog ang mata ko. At natuptop ang kamay sa bibig.

"What?" Parang nabinging tanong ko.

"Wala, Kalimutan mo na bingi"

"Sabi ko na nga ba gusto mo rin ako eh! Mr. Aquino"

"Ms. Chandel, zip your mouth" Sita ng librarian. Tumawa ng mahina si Kyle kaya naman kinurot ko ito. "Aray"

"Akin na nga yan ako na gagawa ng assignment mo. Palagi nalang ako ang gumagawa nito paano nalang kapag nawala na ako" Napalingon ako.

"Anong pinag sasabi mo?" Inis na saas ko. "Hindi magandang biro. Kapag nawala ka.... Baka masiraan na ako ng ulo"

Bumuntong hininga siya. "May malaki akong problema Gwen... Gusto ko na Layuan mo na ako simula ngayon" saad nito. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

Tiniklop niya ang notebook. Isinukbit ang bag sa balikat at tsaka umalis. Naiwan akong nakatunganga.

Agad kong kinuha ang Cellphone ko. Agad naman niya sinagot. "Gwen, Please? Ayokong madamay ka.... Ayokong masaktan ka dahil sakin. So Please?"

I hang up the phone call. My tears begun to fall. "Why? Bakit hindi niya sabihin? Bakit?"

****

Kinabukasan.

"Kyle!" Kumaway ako at kumaway din siya. Lumapit ako at pinisil nito ang pisngi ko. "Aray naman" Gusto kong itanong yung nangyari kahapon pero Huwag nalang.

Ayoko ng umiyak at mag isip kung bakit niya sinabi yon. Mugto ang mata kong pumasok ngayon sa School. Pinag titinginan na naman kami ng lahat.

"Kyle Kaylan mo ba ako Liligawan?"Halos masamid siya sa iniinom niyang juice. Nandito kami sa Canteen. At malamang ay marami na naman mata ang nakamasid samin.

Kyle is the number 1 famous and handsome student here in UOM. He is also the Ace player of Basketball team. Pati ng Baseball...... Nabalitaan ko nga na mag bibitiw na siya sa Basketball at itutuon nalang ang atensyon sa Baseball.

Mahirap kasing maglaro ng sabay paano na kapag, Intrams at may ibang tournaments na sabay. Tyak na mahihirapan siya.

"Gwen" Malumanay na sambit niya. "Yung sinabi ko sayo kahapon"

Napatingin ako ng deretso sa mata niya. Wala ka emosyon emosyon ang mata nito. "Please. Gwen, Get rid of me. Im begging you"

"No! I can't Kyle..... Im willing to do anything for you. Just Stay with me. Please? Kahit kaibigan lang."

Mahigpit ang pag kakahawak nito sa Zest-o Mango na kanina pa niya sinisipsip. Wala na yatang laman.

Nilukot niya ito at walang buhay na initcha kung saan. Bumuntong hininga siya. Tumayo siya,Napatingin ako sa kamay niya na mahigpit na nakakuyom.

Deserve To Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon