Gwen chandel POV
"Pakshiiit!!!!!!!!!!!"
Sigaw ko! Scream ko! Basta malakas ung bunganga ko.
Kupal na wilson! Batuhin pa naman ako ng basang lupa sa likod!
"BWAHAHAHAHAHAH! Chandel pangit mo magalit mukha kang hipon!
Pang aasar pa nito.
"Haahahha!" Lakas ng tawa ko ng tamaan si wilson ng Ibinilog ni Ranz na Lupa. Sapul sa leeg!
"Dapat sa mukha mo binato" sigaw ko kay ranz na nag tatakbo dahil hinahabol siya ni wilson.
"Masakit yon pre! Mas masakit pa sa pakiramdam ng iniiwan!" Sigaw niya habang hinahabol si ranz.
Teka? Pinapatamaan ba niya ako?
Hmm. Dalawang buwan ng walang paramdam si kyle. School trip namin ngayon.
Nandito kami sa Palawan kung saan ginanap ang School trip.
Kasama ko na naman ang grupo na ito. Si abegail, eunice, jake, bench, wilson at kyle.
Napansin ko din na Naging malapit samin sila wilson pati na din ang team ng basketball at baseball.
Pero wala talaga si kyle. Wala din balita sa kanya, Ang sabi ni wilson ay lumipat ng school.
At nung tinanong ko kung bakit ay ewan lang ang sagot. Hindi din ako nangungulit mag tanong dahil ayokong masaktan si Ranz.
Sobra ang pag mamahal ni ranz.
Palagi akong malungkot dahil kay kyle. Namimis ko si kyle.
Napaupo ako sa isang tabi. Kung saan at naabot ako ng tubig ng dagat kada aalon.Hindi na din ako nag sstay sa unit. Sa mansyon na ako lagi at madalas sa mansyon nila Ranz.
Mahal ko pa din si kyle at miss na miss ko na siya. Gabi gabi din akong palihim na umiiyak dahil sa kanya. At gabi gabi ko din tinatanong ang sarili ko kung bakit siya nawala at kung mahal ba talaga niya ako?
Pero may mahal bang iiwanan ka nalang bigla? Tapos hindi pa alam ang dahilan.
"Iniisip mo na naman si kyle" ani ni bench.
Napairap lang ako at niyakap ko ang aking tuhod.
"Bes! Tignan mo may star fish!" Ignoranteng sabi ni eunice.
Ts. Paki ko ba sa star fish? Hindi naman ako bata. Alam ko naman na nililibang ako ni eunice dahil alam niya na si kyle ang nasa isip ko ngayon.
Pero hindi ako bata no. Starfish kuno?
"Hindi si kyle ang nasa isip ko. Masama bang mag senti? Ang ganda kaya ng view dito"
"Weh?"
"Sweety! Tara na. Mag didilim na" sigaw ni ranz at kumaway kaway pa mula sa malayo.
Mag didilim na kasi at unang araw namin dito sa palawan. Bukas ay uuwi na din ang mga schoolmate's namin pero kami nila Ranz ay maiiwan.
Naka bukod kami mga barkada sa kanila at hindi din nakikisali sa ano mang activity.
Nasa Rest house kami nila ranz.
Tumayo na kami bench at nag lakad papunta kay ranz.
Inabutan naman niya agad ako ng robe at siya pang nag tali nito.
Hinawakan niya ako sa kamay at nag patuloy kami sa pag lalakad papunta sa resthouse.
"Iinom ba tayo?" Tanong ni wilson.
BINABASA MO ANG
Deserve To Be Loved
Romance(Rated SPG) How to stop loving her? How to stop yourself loving someone you can't have? How to stop loving someone who don't deserve you? How to prevent loving her? I want to stop loving her. She don't deserve me. She loves me but i always keep...