Chapter 42

3.8K 59 11
                                    


Someone's P.O.V

Habang nag lalakad ako papunta sa maliit na bookstore dito sa Tokyo, Isang pamilyar na babae ang nasagi ko.

"Hmm! Aray Mag dahan dahan ka naman sir," saad nito, at napatingin sa aking mukha.

Nanlaki ang kanyang mata. Sa dami ng Lugar dito lang pala siya makikita sa Tokyo japan.

"Charles" she mouted.

Napatitig lang ako sa knya habang siya ay gulat na gulat. Biruin mo dalawang Lalaki ang halos mabaliw kahahanap sa kanya.

"Chandel" saad ko at inalalayan siya.

"Sorry mauna na ako" agad na saad niya. Garalgal pa ang boses nito na tila takot na takot.

"Teka bakit aalis ka agad, for almost 1year chandel " I chuckled. "Long time no see"

"Sorry pero nag mamadali ako" saad niya at nag madaling umalis.

Mapakibit balikat nalang ako at sinundan siya.

Panay lingon naman nito sakin.
"Huwag mo nga akong sundan"

"Nagugutom kasi ako, baka gusto mo ako sabayan mag miryenda" saad ko at sabay hatak sa kanyang braso "halika doon tayo"

Napapadpad kami sa Jollibee.
Habang umoorder ako tahimik lang siya nakatanaw sa malayo.

Matapos non ay umupo na ako sa kanyang harap at pinanood siyang kumain.

"Haahaha kumain ka lang ng marami, Dalawang tao na kayong kumakain" saad ko habang naka tingin sa kanya.
Sinimangutan lang niya ako. Kaya mas natawa ako.

"Bakit mo ba ako Sinundan?"

"Tinatanong pa ba yon? Off course intersado ako sayo. I mean marami akong katanungan"

"Well kahit sino naman makakita sa kondisyon ko ngayon ay Maiintriga din. Daig mo pa babae" she said with a Sarcastic tone.

"Sino ang ama ng batang dinadala mo?" Deretsong tanong ko.

"Hindi ko alam" saad niya habang naka tingin sa malayo.

"Its either Kyle or Ranz" she added.

"Hmm I see, so Anong balak mo? At anong pinag kakaabalahan mo dito sa Japan?"

"Part time ako sa Isang coffe shop na pag aari ng tita ko. Nag iipon din ako ng pera Para sa panganganak ko. Kabuwanan ko na ngayon" saad nya at mababakas dito ang Pag aalala.

"At sa Totoo lang ay wala na ang tutuluyan ngayon. Pinaalis ako sa Apartment na tinitirahan ko dalawang buwan na akong hindi nakakapag bayad ng renta" malungkot na saad nito.

"Well, kung hndi mo mamasamaain pwede kita tulungan" saad ko.

"At ano ang Kapalit?"

"Hindi ako humuhingi ng anumang kapalit, Gusto ko lang Tumulong. May apat na kwarto ang condo unit na Tinutuluyan ko ngayon at Pwede kang tumuloy doon kung gusto mo" Alok ko sa kanya Habang nakangiti.

"Sige, i have no choice pero kung meron naman ako. hndi para mang hingi ng pabor sayo. Lalo na't parehas mong kaibigan si Ranz at kyle, ayoko pa sila makita" Seryosong saad nito.

Natawa ako ng bahagya "Haha, alam kong maiisip mo yan, Pero huwag ka mag alala Walang nakakaalam na nandito ako sa japan ilang buwan na din Nung huli ko silang Nakita."

"Hindi ako Interesado"

"Ang Bitter hahahaha" I laugh loudly.

Gwen POV

Deserve To Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon