Chapter 32

11.3K 121 24
                                    


---

Ranz POV

Tumunog ang alarm clock na nasa Side table nitong kama kaya nagising ako. Napatingin ako sa Oras. Its Already 5 am in the morning. Alas Nwebe pa naman ang Libing pero kaylangan ko ng umalis ng maaga. May Kaylangan akong asikasuhin sa Company, Mabilis lang naman yon. Hindi siguro aabutin ng isang oras.

Humarap ako sa Kabilang side nitong kama. Napabangon ako Bigla ng mapansin kong wala si Gwen sa Tabi ko.

Tumayo ako, at lumbas nitong Kwarto namin. "Manang Asan si Gwen?" Tanong ko sa kasam bahay namin na nag luluto ng almusal.

"Ay sir, pasensya na po kayo. Nasa Simbahan na po si maam. Kanina pa pong alas Tres ng madalimg araw" Sambit ng Kasambahay.

Napamura ako "Diba sinabi ko naman sa inyo na Huwag niyo siyang papayagan makalabas nitong mansyon!" Bulyaw ko sa kasambay.

Napayuko ito. "Sorry po sir Hindi po namin napigilan si Maam Dahil binantaan niya kami na sisisantehin niya kaming lahat" paliwanag nito.

Napailing nalang ako at Bumalik sa Kwarto para mag bihis. Fuck! Andami ko pang kaylangan  asikasuhin. Bahala na nga! Tatawagan ko nalang ang Secretarya ko para siya na bahala mag asikaso.

Sumakay ako sa Koste ko at nag Tungo sa simbahan kung saan naka burol si Baby glare.

Pag pasok ko ay nakita ko agad si Gwen na naka upo sa pinaka unahan na upuan dito sa loob ng chapel. Nakatitig lang siya sa kabaong ng kanyang anak. Napasin ko din si Charles na naka Higa sa sumunod na Upuan kung nasaan si Gwen. Last Night kagabi kaya, madami pa din tao dito na nakikiramay.

Nandito pa din pala sila Rica at Bench pati na din si Jake. Tulog din si Jake, Si bench lang ang gising habang naka Higa si Rica sa may Lap niya.

Kinakausap ni Bench si Gwen. Ngunit hindi ko marinig ko anong sinabi nito dahil malayo palang ako. Panay lang naman ang Tango ni Gwen.

"Gwen naman, bakit bigla bigla ka naman umaalis ng hindi nag papaalam, Alanganin Oras ka pa umalis. Alam mo bang Pwede kang mabinat dahil sa katigasan ng ulo mo" sambit ko ng makalapit na ako sa kanya.

Hindi siya sumagot. Mapungay ang kanyang mata na halatang galing lang sa iyak at ngayon ay Malapit na naman bumagsak ang kanyang luha.

Tumalikod ako at nag lakad papunta kay Baby Glare Kio ang dala niyang apelyido. Dahil nga kasal kami ni Gwen. Hindi naman na nag Protesta si Kyle tungkol doon dahil ang alam din ng lahat ay sakin ang sanggol na ito.

Hindi man siya sakin galing ay totoong napamahal na ako sa kanya. Gaya ng pag mamahal ko kay Gwen ay ganon ko din siya kamahal. Halos Syam na buwan kaming mag kaka sama. Syam na buwan namin siyang inalagaan ni Gwen sa loob ng kanyang sinapupunan.

Alaga namin siya sa pag mamahal at Masusustansyang pag kain tulad ng Prutas at gulay, alaga din sa Check up at vitamins. Hindi ko matanggap na ganon nalang ang nang yari.

Tinitigan kong mabuti si baby Glare. Kamukhang kamukha niya ang Mommy niya. Nakuha naman niya kay Kyle ang Kilay nito, bukod doon ay wala na.

Wala naman nakuha sakin. Syempre hindi naman ako ang tunay niyang ama. Pero kung nabuhay lang siya ay Ipaparanas ko sa kanya ang pag mamahal kagaya ng pag mamahal na Ibinibigay kay Gwen. Mamahalin ko siya ng parang isang tunay na anak.

Tumingin ako kay Gwen na nakatitig pala sakin. Pinasadahan ko ang kabuoon niya. Naka damit siya pantulog at tsinelas na pang bahay. At gulo gulo ang kanyang buhok.

Lumapit ako sa kanya para Ayusin ang Magulo niyang buhok. Kumuha ako ng umuan at umupo sa harap niya. "Ang hagard hagard mo na asawa ko" Ani ko.

Ngumiti lang ito ng mapait. Kaylan ko ba makikita muli ang kanyang Ngiti? Yung ngiti na wagas at abot tenga. Kaylan ko ba ulit maririnig ang tawa niya? Yung tawang wagas na parang wala ng bukas. Miss na miss ko na siya. Miss ko na ang Dating Gwen Chandel na kahit may Problema ay nakukuha pa din ngumiti at tumawa.

Deserve To Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon