*****
Gwen POV
Tumayo si kyle at dumeretso sa banyo nitong kwarto ko dito sa unit.
Nagpakatanga na naman ako.
Nanatili ako nakahiga at nakata gilid sa kama, sa ilalim ng Kumot ko. Nakatalukbong ako, wala kasi akong ni anong saplot. Hinihintay ko lang naman siyang lumanas ng kwarto, ayoko na kasi siyang salibungin ng kahit anong salita, ayoko ng mapahiya.Kontento na ako sa ginagawa niya sakin. Ipinikit ko lang ang mata ko, umiiyak na naman kasi ako.
Narinig ko ang pag bukas ng pinto ng Banyo. Rinig ko din ang buntong hininga niya. At sigurado akong Si kyle yon, wala naman kasing ibang tao na nandito.
"Hindi ka ba maliligo?" Tanong nito sakin ngunit hindi ako sumasagot.
Kanina pa masama ang pakiramdam ko, nilalamig ako. Feeling ko nilalagnat ako.
"Hindi, paki hinaan nalang yung aircon" utos ko sa kanya.
Hindi ko alam kung sinunod niya pero pakiramdam ko ay humina naman ang aircon."Bakit hindi kapa umalis" pag tataboy ko sa kanya ng maramdaman ko na umupo siya sa kama, nananatili pa din kasi akong nakatalukbong ng Makapal na kumot.
"Pinapaalis mo na ako?" Tanong niya.
Tila nagiging madaldal yata ang lalaki na to. Kumikirot na naman ang dibdib ko na parang pinipiga.
"Malamang, ano pa bang gagawin mo dito?" Pag susungit ko sa kanya. Hindi ko alam naiirita kasi ako dahil na din masama ang pakiramdam ko
"Ang sungit mo yata?"
"E ano ngayon, alis na"
"Buntis ka ba? Ang sungit mo e" sabi niya.
"E ano? Edi papalaglag ko" saad ko aa kanya.
Nagulat ako ng higitin niya ang kumot, na expose tuloy ang hubad kong katawan. Tapos bukas na bukas pa ang ilaw. Nagulat din ako sa salitang binitawan ko.
"Buntis ka?" Tanong niya ulit.
"Hindi, Umalis kana." Sagot ko at tsaka agaw ng Kumot sa kanya.
"Akala ko-"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at nag salita ako.
"Maraming namamatay sa maling akala, Di ako mag aasume, at hindi ko din gugustuhin na mabuntis sa ganitong paraan, May mga paraan naman para mawala ito kung sakali man mayroon. Pag tapos mo magawa ang gusto mo madali lang naman uminom ng kung ano ano pampalis nito" Paliwanag ko at tsaka bumangon para mag bihis.
Hinahayaan ko nalang na makita niya ang buong katawan ko. Ganon din naman, wala ng mawawala dahil nakuha niya na. Tsaka walang nakakahiya sa katawan ko.
Perfect shape of bottle kaya ito. Tapos wala man lang kahit isang sugat, napaka kinis. Pati yata lamok ay mahihiyang dumapo sakin.
Kumuha ako ng Mini short at tshirt pati na din jacket nilalamig talaga kasi ako may lagnat yata ako.
Napatingin ako sa kanya. Bihis na pala siya e. Bakit hindi pa siya umalis.
Hmm, hayaan ko na. Gusto naman na andito siya. Lumabas ako ng kwarto at isinuot ang jacket.
Pumunta ako sa kitchen para uminom ng pa-ngontra, hindi ko naman kaylangan inumin ito dahil nag pipills ako. Pero gusto ko lang talagang uminom.
Kumuha ako ng Chinese noodles at iniluto ito. Pang isahan lang ito, para sakin lang at hindi kasali si Kyle alam ko naman na tatanggihan niya lang.
BINABASA MO ANG
Deserve To Be Loved
Romance(Rated SPG) How to stop loving her? How to stop yourself loving someone you can't have? How to stop loving someone who don't deserve you? How to prevent loving her? I want to stop loving her. She don't deserve me. She loves me but i always keep...