Gwen Chandel POV
"Fuck you! Sigaw ko habang nandito sa Unit ko. Tang ina! I love you daw????
Bwiseeeeeet! Bwisseeeeet talaga. Hiniling kong layuan niya ako, tapos pumayag siya. Tapos sasabihin niya sa huli na iloveyou? Kupal talaga.
Pahirapan?
Napatingin ako sa Phone ko ng Mag ring ito. Ranz calling.....
"Hello" ani ko sa kabilang linya.
"Ready kana? Lika na. Malate pa ako sa laro" ani ni ranz sa kabilang linya.
Ngayon pala yung araw ng laban nila.
"Oo okay na" sagot ko at pinatay na ang tawag kinuha ko ang bag ko at nag tungo sa elevator.
Bumukas ang elevator at nakasakay dito si Kyle, hindi sana ako sasakay kasi umiiwas ako. Kaso nag salita siya.
"Sakay na, baka malate pa kayo ni Ranz, anong oras na ohh" ani niya habang nakatingin sa Wrist watch.
Sumakay naman ako, ilang linggo na din niya ako hindi ginugulo kaya napag pasyahan ko na dito na ulit sa unit ko tumuloy, nasa akin na din yung kotse ko pero kay Ranz pa din ako sumasabay dahil hindi naman ako makatanggi sa Pangungulit niya.
Nakarating kami sa living room ng walang umiimik. Napatingin samin si Ranz na tila kami sinusuri, lumapit ako sa kanya at si kyle naman ay dumeretso palabas nitong hotel.
"Lika na?" Nakangiting Saad ko.
---
Nakarating kami sa school, andaming studyante ngayon, puro naka sibilian lang.
At andami din outsider dahil na din dito gaganapin ang laban ngayon.
Nag mamadali kami papuntang gym dahil na din malalate na kami, hila hila ako ni ranz sa kamay, habang Bitbit naman niya ang Backpack ko at nakasabit naman ang backpack niya sa kanyang balikat.
"Mauna kana kaya, Ranz, hinihingal na ako" hingal na hingal na ako. Pakiramdam ko ay ambigat ng katawan ko.
Stress eating kasi ang ginagawa ko. Kaya parang nadadagdagan na ang Timbang ko.
"Sweety naman, gusto ko nga sabay tayo. Ayokong pag ka guluhan ako ng mga chicks doon, gusto ko ikaw lang" sumilay ang ngisi sa labi niya, pilyo talaga.
Hindi na kami nag mamadali ngayon, dahil gusto niya daw akong kasabay.
Sikat si Ranz, pati na din sa ibang school. Dahil na din Ace player ito at nakagaling sa larangan ng basketball at napaka gwapo din. Nabalitaan ko din na yung school na makakalaban nila ngayon ay ang university na pinang galingan niya bago lumipat dito sa university na to.
Nakarating kami sa Covercourt gym, tila napahinto ang mga tao pag pasok namin ng gym.
Nakatingin silang lahat samin ni Ranz na mag ka hawak ang kamay.
"Ranz!" Sigaw ng magandang chicks at Niyakap si Ranz. Napabitaw ng hawak si Ranz sa kamay ko.
Ang landi naman. Nakakapikon ha!
Nag lakad ako papuntang bench kung saan andoon sila Charles babatiin ko muna sila bago mag umpisa ang match.
"Charles" tawag ko, nagulat ako ng yakapin niya ako.
Sira ulo din to?
"Sorry" ani niya at kumamot sa ulo. "Gusto ko lang ng Goodluck hug. Para manalo kami" saad niya.
Natawa naman ako. Dahil pinamulahan siya ng mukha.
"Bes!" Sigaw ni Eunice na katabi si Abegail. Sumenyas ito na doon daw kami pupuwesto, bago pa ako maka hakbang papunta doon ay napatingin ako sa kumpletong player ng baseball, naka uniform sila ng pang baseball.
BINABASA MO ANG
Deserve To Be Loved
Romance(Rated SPG) How to stop loving her? How to stop yourself loving someone you can't have? How to stop loving someone who don't deserve you? How to prevent loving her? I want to stop loving her. She don't deserve me. She loves me but i always keep...