Chapter 61

16.9K 229 7
                                    


Nandito kami sa mall, sa may arcade zone. Si Twice dapat ang nag lalaro dito ngayon kaso kaylangan niya pumasok sa school.

Naupo ako sa mataas na upuan habang pinag mamasadan si Kyle na nakikipag usap sa staff ng arcade. Nasa isang mini court sila ng basket ball. Balak niya yatang mag laro. Lumapit siya sakin matapos niyang kausapin ang staff.

"Im going to play, do you want anything else? Wanna play around?" Umiling ako. Simula kanina sa bahay ngayon lang niya ako kinausap. Parang siya pa gana mag tampo. "Are you sure?"

"Yeah. I am. I want to watch on you"

"Kapag nanalo ako dito, ten thousand ticket ang makukuha natin...... and i wanna exchange the tickets to trolli, for my little baby" bumaba ang kamay niya sa tyan kong wala pang umbok. Bago ako binigyan ng mabilis na halik sa labi. "I love you" dagdag niya bago bumalik sa gitna.

Napalabi ako. Kahit naiinis ako sa kanya ,hindi ko pa rin siya kayang tiisin. Mahal na mahal ko talaga siya. Sana lang wala siyang tinatago na hindi ko magugustuhan. Sana lang. Maiintindihan ko naman kung maayod ang dahilan niya.

Nag umpisa na ang siya mag dribol ng bola. Siyang lang naman ang nag lalaro, ang kaylangan lang niya ay magawa lahat ng challeges.

Kumindat ito bago inihagis ang bola papunta sa ring. Napa labi ako. Baliw talaga. Sampung shot na straight at wala dapat palya. Isa isa niya itong shinot sa ring.... isa, dalawa, tatlo, apat lima.... nang maishot niya ang pang lima. Nag umpisa nang gumalaw ang ring na kanina ay naka steady lang. Tumingin ulit siya sakin, at kumindat.... Napairap ako ng marinig ko ang tiliian ng mga babae na nasa likuran ko lang.

Ngayon ko lang napansin na ang dami na palang nanonood sa kanya. At ang mga babae naman sa likuran ko ay parang mga bulati na nilagyan ng asin kung kiligin.

Tsk! Excuse me lang!

Walang, kahirap hirap niyang ginawa lahat ng challege mukhang hindi nga siya pinag pawisan. Halatang nag enjoy siya at mukhang namiss niya talagang mag laro nito. Naalala ko tuloy noong highschool kami..... Nangunguna ang skuwelahan na pinapsukan namin sa larangan ng basketball dahil sa kanya. Ito talaga ang gusto niyang sports bago siya lumipat ng Baseball. Hindi ko alam kung anong dahilan niya noon.

Lumapit ang staff, na kuha namin ang jackpot price. "Sir napaka galing niyo po, kayo ang kauna unahan nakakuha ng jackpot price namin" bati ng babaeng staff. Iniabot nito ang isang ticket.

Hays! Pacute pa tong babae na ito,nakikita na ngang may kasamang asawa! Gigil moko!

Napatingin sakin si Kyle at mahinang tumawa. Hinapit ako sa bewang. Inirapan ko yung babae ng paalis na kami.

Umalog ang balikat ni Kyle, napatingin ako.... tumatawa na siya ngayon habang nakahawak sa tyan.

"Anong nakakatawa?" Tumawa lang siya lalo sa tanong ko. Tawa siya ng tawa. Pinag tatawanan niya ako.

"Bahala ka nga sa buhay mo" iritang saad ko at nag marcha paalis. Pinag tritripan niya ako. Nag iinit tuloy ang ulo ko!

"Mahal saglit" Napairap ako sa hangin. Para akong kinikiliti kapag naririnig kong tinatawag niya akong Mahal.

Baduy pakinggan lalo na kapag sa ibang tao ko naririnig. Pero kapag siya na bumabanggit para akong kinikiliti. Feeling teenager ang peg.

"Ouch" daing ko ng may makabangga ako. Hindi ko nakita dinaraanan ko dahil sa mokong na yon.

"Gwen" Boses ni Kyle sa malayo. Rinig ko ang yapak ng sapatos niya. Tumatakbo siya papunta kung nasaan ako. Tumingin ako sa babae na nag lahad ng kamay. Agad ko naman itong inabot at inayos ko ang aking sarili at pinag pagan ang suot kong dress. Napaupo kasi ako sa lakas ng pag kakabangga sakin.

Deserve To Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon