Chapter 49

3.8K 55 23
                                    

Kyle POV

Nasa sala ako, kasama ang mga girls kanina ko pa inaabangan si Gwen bumaba mula sa kanya'ng silid. Napatingin ako sa oras, its 8:30 in the evening. 7pm siya umakyat hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumababa. Nakatulog siguro, Tatawagin ko nalang siya maya maya kapag tapos na ang niluluto para sa Gabihan.

"Tol tara sa kubo, Nag handa kami nila Charles nang inumin" Pag aaya ni Jake. Sumunod ako sa kanya pag ka-labas nito... Nasa kubo lang kami katabi nito'ng Rest house nila Gwen.

"Oh shot mo na para maka-habol ka" Inabutan niya ako nang Wine glass. Npatingin ako sa bote nang alak, Remi Martyn. Nakapag dala pa talaga sila nang ganyan dito. Halatang pinag handaan nang mga lokong to. Feeling siguro nila Bakasyon ang pinunta namin dito.

"Pre kamusta na kayo ni Chandel?" Tanong ni Bench.

"Okay lang" Tipid na sagot ko.

"Mukhang nag kaka-mabutihan na kayo simula nung bumalik siya" si Wilson.

Tumango ako. "Yeah, And she seems comfortable with me, Than last 4years ago." Napansin ko ngang malaki na din ang pinag bago niya, Kung noon ay padalos dalos iba na ngayon. Pinag iisipan niyang mabuti ang bawat kilos na gagawin niya.

"Gagawin ko lahat para bumalik lang ang tiwala niya sakin, Para matanggap niya ako ulit"

"Wooooh!" Hiyawan nang mga gago. "Ganyan talaga siguro mainlove ang mga Randel!" Nantyaw ni Bench.

"Eh paano naman si Pareng Ranz? Hanggang ngayon ay mag karibal parin kayo, at halatang handa siyang ibag laban yung nararamdaman niya kay Gwen" Si Wilson

Nilagok ko ang inabot na alak ni Jake. "Well, I don't care" tipid na saad ko.

"Ranz has unpredictable feelings with Patricia. Just all you know, She's the mother of his Child."

"WHAT?" Sabay sabay nilang Tanong. Napatingin ako kay Charles na walang Reaksyon wala man lang yata siyang paki sa pinag uusapan namin. Hindi nga pala nila alam.

"May anak na si Ranz? Are you serious about that?" what the fuck! Saan sila galing at bigla bigla nalang sumusulpot.

"Hey you asshole! Spilt it." Si Abegail na pinsan ko. Sinamaan ko sila nang tingin. Isa isa silang pumasok dito sa kubo. Si Rica na tumabi kay Bench. Si Abe na tumabi kay Jake at si Hershey na tumabi kay Charles. At si Eunice na nakatanga sa Harap ko.

"Ranz has a Child. Nakilala niya si Patricia sa isang bar, ang bunga nang kanilang onenight stand ay si Shin." paliwanag ko.

"Kelan pa yon? Sila pa ni Chandel non?" Tanong ni Chi chui.

"I don't know"

Nakarinig kami nang malakas na pag basag, Mukhang salamin yata ang nabasag. Natahimik kami'ng lahat. Napatigil din ang ilan tao sa kabilang kubo. Lahat kami ay nakikiramdam.

May umiiyak.
May sumigaw.
May nag aaway.

Ilan minuto pa namin pinakiramdaman.

"What the Fuck!" mabilis akong napatayo, natabig ko ang bote nang alak. Mabuti at nasalo ni Charles kaso nabasa si Hershey.

"Kyle! Be careful" Inis na saad ni Hershey.

"Ano yon?" Tarantang tanong ni Eunice. Nag madali akong pumasok sa Rest house. Nang-gagaling ang ingay mula sa Kwarto ni Gwen, Naririnig ko ang boses ni Ranz. Ikinuyom ko ang aking kamao. Nag-iinit ang ulo ko, Nag babaga ang aking mga mata. Anong ginagawa niya kay Gwen?

Nakasunod sakin ang mga kaibigan namin. Ilan beses kong kinatok ang pinto ngunit walang nag bubukas patuloy ang pag sigaw ni Ranz. Sinisigawan niya si Gwen.

Deserve To Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon