Chapter 20

13.6K 240 5
                                    


Ranz Kio POV

"Ranz Anak" tawag sakin ni mom. Mula sa labas ng pinto. Hindi kasi ako lumalabas ng kwarto ko, maliban nalang kung aalis ako at pupunta ng bar.

Hindi ko alam kung alam na nila mom at dad. Siguro naman na tsimis na ng tita ko tungkol dito, posible naman hindi dahil isang lingo na ang nakalipas.

Isang lingo na din ako nag kukulong dito sa kwarto ko at nag papakalasing.

Yung feeling na kahit nasasaktan na ako, dahil alam kong may mahal ang babaeng mahal ko. Ay tinitiis ko pa din dahil nga mahal ko siya mahal na mahal, Handa ako mag hintay ng oras, araw at panahon na mamahalin niya din ako.

Pero bakit naman ganito? Nag uumpisa palang kami ay pakiramdam ko ay ito na yung wakas.

Akala ko ay tuloy tuloy na-aayon ang panahon sakin. Pero ito ako ngayon, durog na durog ang puso ko.

I want to stop loving her, i want to stop hurting my self. Gusto ko ng tigilan mahalin ang taong hindi naman ako ang talagang mahal.

Oh God. Tell me how to unloved her.

Pag tapos ng lahat lahat ng pinag samahan namin bilang malapit sa isa't isa ganito pa ang mang yayari. Buong akala ko ay sakin lang naka tuon ang atensyon niya. Buong akala ko ay, malaki na ang natutulong ko sa kanya.

Oo! Napatawad ko na agad siya ng mahalata kong may ginawa siyang kalokohan noon University BALL pero ngayon? Paano ko pa gagawin yon?

Ni hindi ko nga alam kung paano patatawarin ang sarili ko dahil sa kapabayaan niya. Bakit ba hinayaan kong makalapit ulit sa kanya si Kyle. At bakit hinayaan kong mang yari yon.

Kung binantayan ko lang siyang maigi ay hindi mang yayari to. Pero, dahil kampante ako na sakin lang nakatuon ang atensyon niya. Kampante kasi ako! Talagang kampante ako ng panahon na yon. Dahil kay Chandel na mismo nang galing na hindi na siya ulit gagawa ng bagay na hindi tama. At kita ko naman iyon sa mga kilos niya.

P-pero 'tang ina lang talaga. Naniwala ako sa kanya. Alam ko naman na tanga tanga siya pag dating kay Kyle. Ano ba naman kasing karapatan ko ng mga panahon na yon? Wala naman e diba?

At hanggang ngayon ay Wala pa din akong karapatan! Kami ba talga? O napilitan lang siya.

Tila gusto kong isipin na Ibinabawi lang sakin ni Chandel lahat ng sakit na idinulot ni Kyle sa kanya. Dahil sa sitwasyon namin ngayon.

Buntis siya. At hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Sobrang tanga lang kasi ni Kyle! Gusto ko siyang patayin, dahil sa pahirap na ginawa niya kay chandel at hanggang ngayon!

Nag tanim pa siya kay chandel na pwede niyang anihin. Shit! Balak ba niyang bawiin sakin si chandel para lang ituloy yung pag hihiganti niya na narinig kong pinag uusapan nila charles noon?

Napa iling ako. Sana hindi...... dahil hindi ko na alam kung paano makikialam at kung paano tatanggapin pa si Chandel.

Isang lingo ko na siyang hindi kinakausap ni text at tawag niya ay hindi ko sinasagot.

I considered this a Worst break up.

Suko na kasi ako sa kanya, pagod na ako. Napapagod din ako, May mga bagay talaga na kaylangan nalang tanggapin.

No one ever want to be miserable... The right thing to do is accept and move forward.

Kung babalik si Kyle para kay Chandel..... then i let be. Wala akong karapatan sa kanya at lalo na sa magiging anak niya.

Na kay Kyle pa din ang puso at isip niya.

Kaya ako? Ito, talo at luhaan.

Pinag laban ko naman e, pinag laban ko, pinahalagahan pero sa huli ako pa din ang talo at luhaan. Wala naman akong nalala na ginawa kong mali sa buong buhay ko para mang yari ito.

Deserve To Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon