It's amazing how time has flown. The past years have just zipped by, but I wouldn't have wanted to spend them with anyone but with him.
Limang buwan bago natapos ang preparations para sa kasal. Akala namin kakayanin ng isa o dalawang buwan. Akala namin madali lang ang mag asikaso ng kasal, mahirap din pala at nakakapagod.
Marami ka pang kaylangan asikasuhin at mga orientations. Simula sa theme ng kasal,invitation, simbahan, venue, pati na rin ang mga gowns ng abay at iba pa.
Nasa mansyon ako ng mga magulang ko. Sabi kasi nila hindi pwede mag kita ang ikakasal dapat sa simbahan na daw. Nag protesta pa nga si Mr. Kyle Randel A. Chua..... gusto niya kasi palagi akong nakadikit sa kanya. Hihi
Bumukas ang pinto ng aking silid. "Mom... Tita Samantha and the other stylist is here" nakangiting saad ni Twice. Ilang oras nalang ay kasalan na.
Tumango ako at inayos ang roba na suot ko. Sumunod ako sa anak ko na kalalabas ng pinto. Nakahawak ako sa anim na buwan kong tyan. "Hang there little boy, we're going to eat, don't worry" naramdaman ko kasi ang pag galaw niya. Hindi pa pala ako nag aalmusal sa sobrang excited ko feeling ko hindi ako nagugutom.
Pababa palang ako ng hagdan ng makita ko ang girls. Si Hershey, Rica, Eunice, Abegail. Ilang buwan lang ang lumipas marami ng nabago. Hindi namin alam na buntis pala itong si Hershey. At syempre si Charles ang ama.
Bumaba na ako ng hagdan. Lahat sila napatingin sakin. Ang laki laki ko na. Nag aalala ako kung kakasya ang gown sakin.
Pitong gown ang naka handa dito sa salas. Naka suot ito sa manikin. Ang pang pito ay ang gown na susuotin ng munti kong flower girl na si Twice. Umupo ako sa sofa katabi ng maganda kong anak. "Manang pahingi po ng makakain" sabi ko sa kasambahay namin ng maramdaman ko ulit ang nag lulumikot kong baby boy sa loob ng sinapupunan ko.
"Grabe , Gwen.... huwag kana kumain ang laki laki mo na oh! Baka di mag kasya yung gown." Pang aasar ni Eunice.
"Ayan dyan ka magaling sa pang aasar"sabi ko. Iniabot ni manang ang tuna pesto na niluto ni mommy kanina. Request ko talaga ito. Grabe pag cracrave ko dito. Kahit ito na nga araw araw kainin ko ayos lang.
Inirapan ko si Eunice ng mapatingin sakin. "Oh? Anong tinitingin tingin mo dyan?" Inirapan niya rin ako at nag lakad papunta sa kusina.
Pag balik niya may hawak na rin siyang Tuna pesto na nakalagay sa mangkok.
"Uy sino nag sabi sayo na kumuha ka niyan?" Masungit na tanong ko.
Napatingin sila sakin pati na rin ang mga stylist. Inaayusan na si Rica at Abegail. "Wait ano yan?" Tanong ni Rica at tumayo mula sa kinauupuan. "Penge!"
"No!" Sigaw ko ng papunta na yung tatlong girls sa kitchen. Tinawanan lang nila ako. Wala na ako nagawa kundi umiling. That's my favorite..... argh. Inagawan pa nila ako huhu!
Umupo na ako para ayusan. Si Samantha ang mag aayos sa akin. At yung mga tauhan naman niya ay sa mga kaibigan ko. Nakatingin ako ngayon sa kaharap kong gown.
This is so beautiful! "Mag kasya kaya sa'akin?" Pabulong na tanong ko kay Sam. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "Don't worry Gwen. Sinukat mo na yan last month at nag adjust na rin ako ng size para may allowance"
Matapos ayusan ang lahat ay nag punta kami sa garden para sa pictorial. Dalawan muna kami ng munti kong prinsesa. Nakasuot siya ng gown na parehas na design ng gown na suot ko. Bumuntong hininga ako mabuti nalang at kasya ang gown na suot ko at saktong sakto lang. hindi nakakirita at hindi ako masyadong nahihirapan kumilos.
BINABASA MO ANG
Deserve To Be Loved
Romance(Rated SPG) How to stop loving her? How to stop yourself loving someone you can't have? How to stop loving someone who don't deserve you? How to prevent loving her? I want to stop loving her. She don't deserve me. She loves me but i always keep...