🌻Chapter 1 We Met

5.6K 96 11
                                        

"I told you yesterday that you will have an individual recitation, so there's no excuses for you para hindi makasagot sa itatanong ko ngayon".

Nagsireklamo ang buong klase sa sinabi ni Ms. Minerva, ang propesor naming matandang dalaga sa management. Jusko hindi ako na-inform! Pa'no ba naman kasi natulog lang ako sa subject niya kahapon, ang boring kaya niya magturo!

"Patay ka ngayong bata ka, sa tingin ko ay hindi na mapapakiusapan pa si Ms. Minerva na ipagpaliban muna ang recitation, nag-aral ka ba?".

Tanong ng bestfriend ko na si Glitter na katabi ko.

"Hindi ako nag-aral huhu, help me..".

"Shunga ka ba? Pa'no naman kita matutulungan kapag ikaw ang tawagin ng matandang dalaga?".

"Beshy you know matagal na akong shunga pero waaaaaaa... tinakot na niya ako nong isang araw kapag hindi ako ulit makasagot sa recitation niya ay ida-drop na ako sa klase niya! I'm so scaredy!!".

"Scaredy ka diyan, baka I'm scared wag mo ngang nilalagyan ng Y ang mga salita mo, ma-wrong grammar ka tuloy".

"Beshy... Sure ball, trip ako ni Ms. Minerva ngayony".

"Ms. Chua".

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang maganda kong apelyedo. No choice, kaya unti-unti akong lumingon sa harapan and there I found her glaring eyes on me huhu.

Nagmadali akong tumayo kahit ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko.

"Ikaw ang una kong tatanungin".

"P-po?".

"Po ka diyan, kapag hindi mo pa rin masagot ang itatanong ko ngayon ay lumayas ka dito sa klase ko".

Nakakatakot talaga si Ms. Minerva ewan ko kung talagang personality niya ang pagiging masungit o dala sa pagiging matandang dalaga?

"What is the role of a manager in a company? Kapag talaga hindi mo pa yan masagot, sasamain ka na sa'kin!".

Napuno ng bulungan ang classroom namin nang marinig nila ang itinanong ni Ms. Minerva sa akin.

"Oh my god, that was the easiest question on earth! Shunga na talaga siya kapag hindi niya pa rin yan masagutan".

"Althea you know how dumb Sunny is! malamang she still couldn't answer it".

"Go Sunny idol! Ang ganda mo shet!".

"Ako na lang ang sagutin mo Sunny haha".

"MAGSITAHIMIK KAYO!!".

Kompara kanina ay nagmistulang kombento ang silid aralan namin at natahimik ulit ang klase ng dahil sa pagsigaw ni Ms. Minerva.

"I'm not asking you, kayo ba si Sunny??".

Nagsiilingan ang mga kaklase ko at talagang nanahimik na.. malamang takot na sila sa prof namin.

"Now answer me Ms. Chua!".

Nanumbalik ang kaba ko nang itinuon ulit ni Ms. Minerva ang atensyon sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo at unti-unti na ring binuka ang bibig ko.

"The role of a manager in a company is they...they..".

"They what Sunny??". Naiiritang tanong ni Ms. Minerva kaya napalunok ako ng laway bago ko ipinagpatuloy ang magiging sagot ko.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon