Sunny Pov
Nagising ako sa sinag ng araw.
Minulat ko ang mga mata ko at nandito ako sa isang hindi pamilyar na lugar.
Nasa'n ba ako?
Ah. Tama. Naligaw pala kami ni Einstein kagabi dahil sa lakas ng ulan.
Aalis na sana ako sa higaan nang may maramdaman akong nakadagan sa'kin.
Peste ang bigat.
Sinundan ko ng tingin ang kamay at paa na nakapulupot sa'kin.
"What the hell?".
(Now Playing: Blanket Kick- BTS)
Naibulalas ko nang makitang kay Einstein yun. Mahimbing parin itong natutulog at akalain mong unan ang kayakap niya.
Ang kapal...
"Get your hands off me!". Galit na sabi ko kaya napamulat ito ng disoras.
"Sorry".
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Chansing!". Umalis ako ng higaan at inis na nagmartsa palabas ng kwarto.
Bwesit na Einstein na yun ang galing din niyang chansing kagabi pa siya ah! Grrr...
"O, Gising ka na pala anak.. Yung asawa mo ba ay gising na din?".
Asawa?? Yuck. Ang gandang umaga talaga.
"Good morning po Lola :)". Nasa tabi ko na pala si Einstein na nakatayo at binati si Lola Pacia.
"Mag-almusal na kayo dito".
Lumapit naman kaming dalawa ni Einstein sa hapagkainan.
Nakahain ang isang tinolang manok at may saging din.
Sumabay na rin kami kina Lola kumain.
_____________
"Lola Pacia, salamat po talaga tinatanaw po naming utang na loob ang pagpapatuloy niyo sa amin kagabi".
Pagpapasalamat ko kay Lola Pacia sa lahat ng kabaitan niya sa amin kay Einstein.
Kumuha ako ng 2,000 sa wallet ko at inabot ko 'to kay Lola.
"Anak hindi ko matatanggap yan..pera mo yan at bukal sa loob ko na tulungan kayo".
"Lola wag niyo pong isipin na bayad ito sa kabaitan niyo kusa ko lang rin po tong inaabot sa inyo..gusto ko pong makatulong lalo na po kay Lolo Lito...Pambili niyo man lang ng gamot".
"Anak...".
"Lola please po wag niyong tanggihan".
Walang nagawa si Lola Pacia kundi tanggapin ang ibinigay kong pera.
Napangiti ako.
"Salamat anak huh... Hulog kayo ng langit pagpalain kayo ng maykapal..kebabait niyong mga bata".
"Salamat din po Lola dahil minsan sa buhay namin ay nakilala namin kayo... Yung mga taong handang tumulong sa kapwa na walang hinihiling na kapalit".
Niyakap ko si Lola Pacia. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam ang ganito.
"Lola Pacia..Lolo Lito salamat po talaga".

BINABASA MO ANG
Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]
Teen FictionBEAUTY WITH BRAINS? No way! She is just CONFIDENTLY BEAUTIFUL ;) Meet Sunshine Claire Chua a half-blooded Chinese-Filipino and known in the campus as aka "SUNNY". Sure she is famous in Yonhwa University as the most beautiful girl in the campus but...