🌻Chapter 45 Forgive and Danger

1.9K 58 30
                                    

Sunny Pov

Pareho kaming nasa school ni Adrian pero parang hangin lang niya akong ituring. Magkasabay pa rin kami mag-lunch pero tinatanong lang niya kung ano ang kakainin ko.

Totoong napakapanget talaga sa pakiramdam hindi ako sanay sa ganitong treatment niya. With Adrian I feel like a princess but now he treat me like a stranger.

"Kanina pa ganyan ang hilatsa ng mukha mo..hindi pa rin ba kayo nagkakabati?".

Umiling ako at napabuntong hininga sa inuupuan ko.

"Nasaktan ko talaga si Adrian sa inasta ko kahapon at hindi ko naman siya masisisi". Nakapangalumbaba na sabi ko.

"Yeah... Kasi di ba knowing Adrian hinding-hindi yun magagalit sayo".

"Yun na nga eh.. Ito ang unang pagkakataon na nagkaganito kami..nandiyan nga siya pero hindi niya ako kinakausap".

Glitter hold my hand.

"It's going to be ok Sunny alam mo para magkabati na kayo ikaw na ang maunang magsorry".

Hindi ko talaga matanggap na aabot kami sa puntong may mag-sosorry sa aming dalawa dahil never naman kaming nag-away dati. Adrian and I were so much compatible I didn't see this coming.

"Mamaya kakausapin ko na siya".

"But a sorry isn't enough para lumambot ang puso ni Adrian mo".

"Huh?".

"Hmm..".

Kunwaring nag-iisip si Glitter at parang may light bulb ang itaas ng ulo niya nang may pumasok sa utak niya.

"Ah! Maghanda ka ng surprise dinner mo sa kanya mamayang gabi at don ka magpapaliwanang sa kanya at mag-sorry!". Ngiti-ngiting sabi nito.

"Nakakahiya naman... Di ba gawain lang yan ng mga lalake?".

Tinulak ng hintuturo ni Glitter ang noo ko.

"Tanga friend sa henerasyon ngayon sa'n mo ba napulot ang mindset na yan?".

"Pwede ba talaga?".

"Duhh... Alam mo bang ang effort ng babae ang higit na nagpapasaya sa mga lalake? Tingnan ko lang kung hindi igigive up ng boyfie mo ang arte niya...nagtatampu-tampuhan yun friend kulang lang yun ng konting lambing at bibigay na yun sinasabi ko sayo".

Mukhang tama nga si Glitter pero nakakahiya pa din.

So, anong gusto mo Sunny? Ang magkabati kayo ni Adrian o hiya-hiya na yan??

Syempre ang magkabati kami! Huhu bahala na nga.

Hindi ko na ata kakayanin na parehong treatment pa din ang ibibigay niya sa'kin bukas.

"Sige na nga! Tulungan mo ko!".

At nagsimula na kaming magplano ni Glitter para sa dinner date namin mamaya ni Adrian.

______________

"Ok na ang lahat".

"Si Adrian?".

"Hahahaha".

Kumunot ang noo ko nang bigla na lang tumawa si Glitter sa harap ko.

Maluwag na naman ang turnilyo nito tss.

"Anong ginawa mo? Kapag yan na natatawa ka may ginagawa kang kalokohan!".

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon