Sunny Pov
Sobrang ganda ng mood ko na pati mga aso't-pusa na dinadaanan ko ay nginingitian ko.
Hala, nababaliw na ba ako?
Hehe... Kinikilig kasi ako sa impakto ko. Bwisit na lalakeng yun hindi ako nakatulog ng maayos dahil magdamag ata kaming nagtetext.
Masyado ata naming na-miss ang isa't-isa haha.
Gosh..ang ganda ko talaga!
"Kahapon lang mukha mo parang pang Byernes Santo pero ngayon bes mukha ka ng si Joker pang-halloween te! The bes ka!".
Hinampas ko nga sa braso si Glitter.
"Ang lakas mo talaga sumira ng mood anu?".
"Hahaha pero ang blooming mo ata ah..kahit na mukha kang panda ngayong araw".
Tss. Eyebags.
Ebidensya sa kalandian LOL.
"Hihi nagkabati na kami ni Einstein". Kinikilig na sabi ko.
"Gross... Dati lang isinumpa mo ang pinsan kong yun pero tingnan mo nga naman ngayon para ka pang kiti-kiti kung kiligin".
"The more you hate..The more you love nga, malay mo mag-aapply din yun sa inyo ni Keeth?".
Bigla naman akong binatukan ni Glitter.
"Gosh Sunny! Mandiri ka nga...NEVER as in NEVAH akong magkakagusto sa bwisit na yun".
"Sinabi ko din yan dati eh".
Sinamaan lang ako ng tingin ni Glitter at hindi na kinausap pa malamang naasar ko.
Maya-maya lang ay dumating na din si Keeth sa classroom. Gwapong-gwapo kung ngumiti ito na akalain mong nasa toothpaste commercial kaya yung mga mahaharot ko namang classmates ay parang himatayin na sa ganong ngiti ni Keeth.
That killer smile.
Napapailing na lang ako sa pwesto ko habang pinagmamasdan ang bestfriend ko hanggang sa umupo na ito sa tabi ni Glitter. Inirapan naman siya ni Glitter nang mapansin ang presensya niya. Napangisi lang si Keeth sa inasta ng kaibigan ko.
"Ah Sunny! Sabay tayong mag-lunch mamaya ok?". Masayang sabi nito sa'kin.
Oh-Oh
Nalintikan na..nakalimutan kong magpaalam kay Einstein.
"Eh hehe kayo na lang ni Glitter magsabay mamaya".
Napaangat ng instant ang ulo ni Glitter nang marinig ang pangalan niya.
"What?? No way!! At bakit hindi mo ko masasabayan huh Sunny?". Naiinis na bulalas ni Glitter sa'kin.
"Nangako ako kay Tristan na sabay kami ngayong mag-lunch".
"Tristan who?". Tumaas ang isang kilay ni Keeth sa isinagot ko.
"Baliw ka na ba? Alam ba yan ni Einstein?". Nalolokang tanong ni Glitter.
"Hindi pa..nakalimutan kong sabihin hehe".
"Sira ka talaga, magpaalam ka nga mamaya niyan ay magtatampo na naman yun sayo".
"Oo na".
Nilabas ko ang phone at nagtipa ng message kay Einstein.
To: My Impakto <3
Nakalimutan kong sabihin sayo kahapon na si Tristan ang kasabay ko ngayon mag-lunch. Nangako ako sa kanya eh..please wag ka namang magalit :(

BINABASA MO ANG
Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]
Teen FictionBEAUTY WITH BRAINS? No way! She is just CONFIDENTLY BEAUTIFUL ;) Meet Sunshine Claire Chua a half-blooded Chinese-Filipino and known in the campus as aka "SUNNY". Sure she is famous in Yonhwa University as the most beautiful girl in the campus but...