🌻Chapter 33 Turned out of Events

2.1K 53 1
                                        

Sunny Pov

Kung pwede ko lang patayin si Keeth sa sama ng pagkakatitig ko sa kanya kanina pa siya nakabulagta. Nang dahil sa nangyaring rambulan sa canteen kanina ay nag-trending na naman kami sa Yonhwa and guess what?

Pinaglinis kami ngayon buong araw sa napakalaking canteen ng YONHWA.

Hawak-hawak ko ngayon ang isang walis at ang sarap ipagpupukpok nito sa mga lalakeng 'to.

Bwisit hindi nga kami nadamay sa rambulan..nadamay naman kami ni Glitter sa punishment.

Pati nga si Einstein ay iniirapan ko sa tuwing napapatingin siya sa gawi ko.

"Besfriend.. Sorry na, na miss ko lang naman makipag-away eh".

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Keeth at hindi ko na napigilan pang ipukpok sa kanya ang walis tambo.

"Ouch ang sakit Sunny!".

"My god Keeth!! Yun lang ang dahilan mo at nauwi tayo sa pesteng paglilinis na 'to???".

Wala na kong pake kung sobrang lakas ng boses ko dito wala na namang mga staff at students, sa amin nga ipinasa ang paglilinis dito sa canteen kaya nagsiuwian na.

"Hindi ko din naman alam na ang dali lang mapikon nong mga kaibigan mo".

"Keeth.... Jusko napakaabnormal mo..". Nanggigigil ako sa inis dito.

Abala sila Tom sa pagpupunas ng mga mesa. Sila Tristan, Einstein, Chase at Drake naman ay abala sa pag-momop. Si Glitter? Ayun naghugas ng plato at ako naman ay nagwawalis.

Goodnessy... Sa bahay nga buhay prinsesa ako first time kong ma-experience ang gawain na 'to.

"Sorry na... Sunny wag ka ng magalit please". Nagpapa-cute ang walangya.

"Umalis ka nga diyan at isasama pa kita sa iwawalis ko ngayon".

"Ang hard mo naman bestfriend".

"Nakakainis ka kasi! May maganda bang naidulot ang rambulan niyo huh?? Wala!".

First time ko din makapasok sa guidance and I can't believe na ito rin ang kauna-unahang bad record ko sa school tiyak na mapapagalitan talaga ako nila Mama kung malalaman nila 'to.

"Lubayan mo nga yan si Sunny at maglinis ka na lang diyan". Binato ng basahan ni Tristan si Keeth.

"Sige huh simulan niyo naman at masisipa ko na talaga kayo isa-isa".

Nakakairita grrrr....

"Sunny..". May kumalabit sa'kin kaya inis na hinarap ko ang kung sino mang hudas na nasa likuran ko.

"What??".

Paglingon ko ay si Einstein pala.

"Whoah..chill init ng ulo mo ngayon bobo girl".

"Isa ka ding trouble maker eh".

"Ano?? Umawat nga lang ako sa kanila ako pa ngayon ang nagiging masama".

"Umawat ka nga pero mas lalo namang lumala". I rolled my eyes.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon