🌻Chapter 8 Save Me

2.5K 65 6
                                    

"Wow..ang ganda naman dito". Namamanghang sabi ko habang inilibot ang tingin sa paligid.

"Ngayon ka pa lang nakapunta dito Sunny?".

"Uhmn Yes, actually hindi ako mahilig sa gala well except parties na malapit lang sa pamilya namin".

Tumango lang si Christian at magkasabay kaming naglalakad papuntang hotel ng resort. Nang dumating na kami sa front desk ay nagtanong na si Christian kung sa'n banda sa hotel ang venue ang kinuha ng kaibigan niya.

"Sa VIP room 313 sir".

Nagpasalamat lang si Christian sa receptionist at pinuntahan na namin ang nasabing room. Nasa 13th floor ito at nang marating namin ang labas ng Vip room ay si Christian na mismo ang pumihit ng doorknob para buksan 'to.

Pumasok kami at nakita ko ang ilang basketball teammates ni Christian may mga babae din na hula ko ay mga girlfriend ng mga kasama niya.

"Oh, Is this the famous Sunshine Chua of Yonhwa University? Welcome here Princess..". Nakangiting bati nong lalaki at inabot ang isang kamay ko para halikan. Medyo awkward pero hindi ko na lang pinansin.

"You're one hell out of a playboy Neo". Kantiyaw ni Christian sa kaibigan na ang pangalan ay Neo at nagtawanan lang sila.

Pinakilala niya pa ako sa iba pa niyang mga kaibigan. Ok naman silang lahat they seems nice..I guess.

"Dahil nandito na kayo! Let's start the party!! Congrats to us!!". -Neo

Hmm..ang aga pa ata para uminom it's 11:30 in the morning?, hindi ako sanay ng ganitong lifestyle.

"Sunshine its ok, it is good to explore and go beyond limits! You're young so enjoy life!". Sabi ni Christian at siya na mismo ang nagsalin ng wine para ipainom sa'kin.

"Ah I think it's too early for this?". Nag-aalangan na sambit ko nang inabot niya sa'kin ang isang baso na may laman na ngayong alak.

"Look at them they're the same age as ours but they live the life they want, c'mon minsan lang 'to ok?".

Kahit ayaw ko ay napilitan akong uminom ayaw ko din namang maging KJ ang kalalabasan.

Naku..kapag ito malaman ng parents ko magigilitan talaga ako ng leeg!

Hours past and I felt something weird..nakakaadik ang lasa ng wine parang sarap na sarap ako nito ni hindi ko na nga namalayan na kanina pa panay ring ang phone ko sa bag.

All I can think now is having a good time. Siguro dahil na din ito sa pasan na problema ko sa Yonhwa kaya hindi ko na tinigilan ang wine sa table.

"Hooooo! Ang hard drinker mo pala Sunshine!".

"Hahaha No Neo ngayon lang 'to parang gusto ko ata maging wasted sa araw na 'to!". Tumatawang sabi ko sabay lagok na naman ng panibagong baso.

"Sunshine babe kaya mo pa ba?". Narinig kong bulong ni Christian sa'kin. I felt tickled sa hininga niyang dumampi sa tenga ko.

"Kaya ko pa Christian! Don't worry about me". Sagot ko na may mapupungay na mga mata.

Medyo nahihilo na ako pero hindi ko maexplain ang nararamdaman ko my mind is still active nakakausap pa naman ako ng matino.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon