🌻Chapter 5 Time Management

2.6K 69 5
                                    

"Omg! Anong oras na??". Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko at tinanong ang maid na nandito sa loob ng kwarto ko.

"Alas nuebe na po ng umaga ma'am".

"Ano?? Bakit hindi niyo ako ginising??".

Patay na naman ako kay Ms. Minerva nito. Tinanghali na naman ako ng gising.

"Sabi po nong lalake sa labas wag ko na lang muna raw kayong gisingin eh".

Lalake?

At sinong lalake naman ang nagsabi sa kanya???

"Who??".

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang lalakeng hindi ko iniexpect na makita ng ganito kaaga.

Kay-aga ko pala ngayon mabwisit...hustisya haaaaiiist..

"Me, you're exempted in your classes with Ms. Minerva from now on".

"At bakit naman? Bakit ka din nandito? Wala akong natatandaan na pinagbigyan kita ng address ko".

Tuluyan itong pumasok sa kwarto ko kaya nagmadaling tinakpan ko ang sarili ng kumot.

Ay leche, ngayon ko lang naisip na lalake pala ang kausap ko.

"Tss. Para namang may makita ako ..about you're question just ask Ms. Minerva and of course siya din ang nagbigay ng address mo, starting now instead sa klase ka niya mag-aattend ay magiging tutorial time natin".

"Pinagloloko mo ba ako?? Si Ms. Minerva ang professor ko hindi ikaw!".

Aba't anong pumasok sa utak ng matandang dalaga na yun at ipinaubaya niya sa estudyante niya ang estudyante din.

Masumbong nga sa Dep Ed.

"You should be thankful to Ms. Minerva dahil ginagawa niya ang lahat para matulungan ka, kung ihahalo ka niya sa klase sa kalagayan mong yan ay tiyak na wala kang matutunan for the mean time ako muna ang papalit sa kanya kaya wag ka ng mag-inarte pa".

"Kelan ka ba hihinto sa pagtutor sakin ha?". Inis na tanong ko.

"Kung may laman na ang utak mo".

O, di ba? Nakakapang-init talaga ng ulo ang Einstein Lee na 'to! Siya lang ang nag-iisang lalake na kayang sabihin yan sakin ng harap-harapan nakakainsulto talaga!! Grrrrr...

"Whatever, get out!". Itinuro ko ang pintuan at umalis naman ito ng kwarto ko.

"Hala ma'am! Ang gwapong bata naman non, boyfriend niyo po?".

"Manang he's not my boyfriend..never ever yuck".

Sabi ko habang nagsusuklay ng buhok sa dresser.

"Mukhang matalino ang batang yon bakit ayaw mo don?".

"Manang stop asking unless you want to get fired?". Mukhang natakot naman ang maid namin kaya nagmadaling umalis ito ng kwarto. Naku naman si Manang pa ang napaglabasan ko ng pagkairita.

Matapos kong maligo at makapag-ayos ay napagdesisyonan ko ng lumabas ng kwarto at bumaba.

Naglakad na ako pababa ng hagdan nang matapilok ako mabuti na lang at nakahawak ako sa siding nito.

"I can't believe na hindi ka lang bobo, you're also a clumsy too..ano pa ba sa mga yun bukod don bobo girl?". Natatawang sabi nito and there I saw the guy who ruined my day. Napapahiyang inayos ko ang sarili at tumayo ng matuwid.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon