🌻Chapter 24 M.U Malabong Usapan and a New Girl in Town?

2.7K 78 10
                                        

Sunny Pov

"Glitter will kill me kapag lumala yang lagnat mo".

Pinapainom ako ng gamot ni Einstein bago niya ako tinulungang makahiga uli sa kama.

"Ang stubborn mo talaga bobo girl".

"Kanina mo pa ako pinapagalitan". I pouted my lips. Wala lang trip ko lang magtatampu-tampuhan sa kanya hehe.

"I just don't want you to be sick and stop pouting your lips, they are inviting me to kiss you again".

Leche naman o, kahit nilalagnat ako nakakaramdam pa din ako ng kilig dito mas lalo atang uminit ang pakiramdam ko sa sinabi ni Einstein.

Agad naman akong namula at tumingin sa ibang direksyon. Ang awkward jusko... Ngayon pa nag-sink in sa utak ko na kanina lang may kaganapang confession under the rain na drama naming dalawa tapos heto inaalagaan niya ako at pinili ni Einstein na wag ng pumasok sa klase niya. Ang tigas nga ng ulo niya mas grabe pa siya kay Glitter kaya wala din akong nagawa dahil sobrang mapilit ng lalakeng 'to.

Hehe ginusto ko din naman ang presensya niya kaya hindi ko na siya kinulit pa.

Haaaay... Nababaliw na ako nong isang araw lang si Tristan ang gusto ko tapos naging Einstein na?? Pasaway na puso.

"Sleep now so that you can go to school tomorrow".

"Einstein...". Mahinang tawag ko sa pangalan niya.

"What?".

"Papansinin mo na ba ako?". I don't know what's gotten on me to ask him that question.

"Of course :)". Nakangiting tugon nito.

"Thank you".

"Kahit hindi mo yun hilingin malabong hindi kita papansinin".

Grabe nagsiliparan na naman ang mga paru-paro ko sa tiyan.
Bakit kapag si Einstein ang nagsasabi ng ganong linyahan ay parang hindi ako mapakali lage? Ganon ba talaga magpakilig ang mga genius yung tipong minsan lang sila nagsasalita pero para ka namang aatakihin sa puso ng mga pamatay nilang linya?

"You're so cute when you're blushing".

"Cute... First time mo kong pinuri". Natatawa kong sabi.

"Honestly, I find you beautiful and attractive when we first met but I don't know why I feel irritated towards you just because of a damned book?".

"Ako din nairita din ako sayo pero hindi ko mapagkakaila na gwapo ka".

Kitang-kita ko ang pagngisi niya sa sinabi ko. Nakalimutan kong sobrang conceited pala tong taong gusto ko.

"I know...Matagal kang nakatunganga sa'kin that time".

See what I mean?

"Oo na lang...".

"Matulog ka na, ang daldal mo na". Natawa naman ako sa sinabi niya at mananahimik na sana nang may naalala ako.

"Einstein last na 'to. Bakit mo ba ako iniiwasan?".

Ewan ko kung namamalikmata lang ba ako pero agad nagbago ang ekspresyon niya at parang namumutla siya.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon