🌻Chapter 28 A Step Closer

2.1K 53 4
                                    

Sunny Pov

Sanay akong pinapansin ng mga lalake pero ang mapansin ng dalawang hot guys dito sa Yonhwa ay tinalo ko pa talaga si Rapunzel sa buhok niya.

Una sa lahat, ultimate crush ko si Tristan dati na pinapangarap ko lang pero ngayon ay nakikipagkompetensya pa talaga kay Einstein sa ligawan.

Pangalawa, si Einstein dating isinumpa kong maglaho sa buhay ko pero ngayon parang hindi ko na ata kaya na mawala siya sa tabi ko. Ginayuma kaya ako ng impaktong 'to? I wonder..chos.

Goodnessy! Nakakastress talaga ang maging maganda! Haaaay... Super pretty ko eh DYOSA ganern! Hahaha.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway at gaya ng nakasanayan ko dito sa Yonhwa ay pinagtitinginan na naman ako ng mga estudyanteng bawat madadaanan ko. Yung mga babae ay bakas pa din sa mga mukha nito ang sobrang pagka-inggit sa pretty face ko at ang mga lalake ay pinagpapantasyahan na naman ang kagandahan ko.

Mas lalo ata dumami admirers ko simula nong makapasok ako sa Top 20.

"Hi Sunny :) Pwede bang magpapicture?". -Guy 1

Akalain mo nga naman naging instant artista na din ata ako dito haha.

"Ako din Sunny ^^".-Guy 2

"Syempre ako din!". -Guy 3

Hanggang sa pinagkaguluhan na nga ako ng mga estudyante dito.

"Ahh.. Guys may klase pa ako :)".

Jusko. Ganito pala ang pakiramdam ng dinudumog.

"Leave or Die?".

Natigil ang pangungulit ng mga lalakeng estudyante sa'kin at nagsilingunan ang mga 'to sa papalapit na si Einstein.

Nakaramdam naman ako ng pagkataranta nang makita kong pulang-pula na ang mukha niya sa pagkairita.

"Einstein..". Sambit ko sa pangalan nito.

Tarantang nagsilayasan naman ang mga lalakeng kanina lang ay pinagkakaguluhan ako. Takot na takot ang mga 'to sa banta ni Einstein sa kanila.

"Are you a celebrity now?". Kunot-noong tanong sa'kin ni Einstein.

"Hindi ah..masyado lang talaga akong maganda!". Hehe tinitingnan ko lang kung maiinis si Einstein sa'kin.

Oh-oh mas lalo atang kumunot ang noo niya at sinamaan pa ako ng tingin.

"I don't want you to be surrounded by guys".

"At bakit naman?".

Haha. Basang-basa ko ang selos sa pagmumukha niya kahit na mag-deny pa siya.

"I'm jealous".

Oh... Hindi ko inaasahan yun... Ang straightforward naman pala talaga ni Einstein sa feelings niya.

"Sorry". Nahihiyang sabi ko at inangkla ang kamay ko sa braso niya.

"Tss. Stay away from them or I might kill an asshole".

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon