Just little FACTS about the AUTHOR ❤️

1K 19 6
                                    

Q1: Pansin ko lang author halos OST ng MSMME puro kpop seryoso author KPOPPER ba YOU?

A: From characters to soundtracks OBVIOUS reader malamang adik talaga ako sa Kpop haha.

Q2: How did you get the idea to write MSMME?

A: Matagal ko na talagang story 'tong MSMME a draft way back in 2015 kaso lang hindi ako ginanahan sa unang plot ko nito sa old account ko kaya ni-remake ko.

Q3: Bakit po si Taehyung ng BTS ang pinili niyo for Einstein's role and why Tzuyu of Twice as Sunny author?

A: Para mas maliwanagan kayo readers talagang crush ko na yang si Taehyung simula ng makilala ko ang existence ng BTS years ago haha but why him? Simple, habang pinagmamasdan ko kasi mga pictures niya for me, asset talaga niya yung mga mata niya kung titingnan mo masyadong deep mukha kang malulunod gosh at nasabi ko na lang sa sarili parang bagay siya as Einstein kasi may pagka-mysterious tingnan si Taehyung ewan ko lang kung ako lang ba nakakapansin at masyado akong die hard fan haha.
At bakit si Tzuyu as Sunny? She's my ultimate girl crush sa kpop world dyosa ang beauty niya kaya bagay talaga sa kanya ang Sunny na role.

Q4: Hirap na hirap ka talaga mag-tagalog author no? Taga-saan ka ba?
A: I'm proud to say that I'm from Mindanao to be more accurate from the City of Palms kayo na macurious sa kakaisip haha. Ang layo ng nilakbay ng story ko sa Manila ang napili kong setting.

Q5: Anong meron sa MOA seaside author at masyado niyong binigyan ng importansya ang lugar na yun sa pag-iibigan nila Sunny at Einstein?

A: I've been to Manila last June at ewan ko ba I feel at ease sa lugar na yun kaya pinili ko talaga ito as an important setting of MSMME.

Q6: Besides writing author may iba pa ba kayong hobbies?

A: Honestly, Writing isn't my hobby not until napadpad ako sa Wattpad World year 2014 at naadik ng magbasa kaya one day naisipan ko na din na gumawa ng story and about sa ibang hobbies ko? Sa Music talaga umiikot ang buhay ko since I was a kid I am fond of singing, dancing, and playing guitar, in short Performing ang kinalakihan ko and never did crossed my mind na ma-engganyo ako sa Writing. Pahamak na Wattpad kasi haha.

Q7: Author are you still a student?

A: Mukha lang akong estudyante reader pero fresh graduate ako this year lol.

Q8: Author ang lakas niyo maka-insist na hopia kayo sa lovelife sa author's note pa lang. Why po?

A: NBSB ang Lola niyo may sumpa ata ako kaya kinatatakutan ng mga lalake though may nanliligaw naman chos yung malalakas ang loob haha pero hopia pa din kasi hindi ko naman type kaya at the age of 20 heto single pa rin. Kainis! Grumaduate na lang ako at lahat hindi pa rin ako napansin ni Crush ko Wawa is me talaga lels. Mabuti pa ang Senior High pumo-forever. Siguro kayo din!

Q9: Wala naman pala kayong love life author paano niyo nagawa ang MSMME nyan?

A: Porke't walang lovelife hindi ko na kayang magpakilig readers? Grabe ka haha. Of course base na din sa experience naranasan ko na kayang nagmahal nasaktan and worst napaasa! Charoot sa tingin niyo asan ko kinuha ang emote ko? Duhh...well, isali na din ang kakapanood ko ng movies at kakabasa ng wattpad more like Hopeless Romantic ang pinag-uugatan ng lahat.

Q10: Sino po favorite author niyo sa Wattpad?

A: Maxinejiji at si Undeniably Gorgeous ❤️ Tumatak talaga ang mga story nila sa'kin yun bang kahit kelan never kong makalimutan kahit ilang stories na ang nabasa ko sa Wattpad. He's Into Her ni Maxinejiji sobrang haba ng story pero worth it paglaanan ng time baliw ako kay Deib Lohr Enrile eh haha at yung I Love You Since 1892 at Our Asymptotically Love Story ni Undeniably Gorgeous ilang balde ng luha ko iniyak sa mga storyang yun tagos sa puso deads na deads kay Juanito Alfonso at Fidel Montecarlos. Sa mga hindi pa nakakabasa, Try niyo basahin ang mga works nila para sabay-sabay na tayong magfafangirl!

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon