🌻Chapter 9 Knights

2.4K 59 0
                                    

Sunny Pov

"Glitter..".

Minulat ko ang mga mata ko at nakita si Glitter sa tabi ko.

Bakas sa mukha nito ang sobrang pag-aalala.

"Sunny...". Sambit nito sa pangalan ko at bigla na lang itong umiyak sa harapan ko.

"Hey are you ok?". Tanong ko sa kanya kung makaasta kasi siya ay parang mamamatay na ako.

"Ikaw dapat ang tatanungin ko nyan!! Sabi ko na nga ba dapat pinigilan kita sa pagsama-sama sa Christian na yun! Kung hindi pa dumating si Einstein malamang may nangyari ng masama sayo".

Tumango ako at napapikit saglit medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa alak.

"I didn't asked the whole story from Einstein pero ano ba talaga ang nangyari?".

Ikinuwento ko sa kanya kung pa'nong napilitan akong uminom hanggang sa nalasing ako at dinala ni Christian sa ibang kwarto na muntikan ng ma-rape na walang kalaban-laban.

Kitang-kita ko pa ang pagkuyom ng mga palad ni Glitter na tila sasabog sa galit ng mga nalaman.

"They put a drug on Sunny's wine". Singit naman ni Eintein na hindi ko man lang napansin na nandito pala siya.

"They what????". Galit na talagang sabi ni Glitter bakas nito sa mukha na hindi makapaniwala.

Pati nga ako nabigla, nilagyan nila ng drugs? Kaya ba hindi ko makontrol ang katawan kanina dahil yon ang epekto? Parang hindi naman tama yun...

"Change of plan, idiretso niyo na sa libingan ang mga gagong yun!!". Halos mabingi na ako sa pagsigaw ni Glitter.

"Sis..chill ka diyan, daig mo pa ang highblood sa taas ng dugo mo ngayon". Sabi ni Tristan sa kapatid niya.

"Chill?? Hindi!! Kelangan makalbo ko ang mga pesteng yun! Napakawalanghiya talaga!".

"Glitter, ok na..at least hindi natuloy ang binabalak nila".

Mukhang nahimasmasan naman si Glitter sa sinabi ko.

Gabi na nong makauwi ako galing hospital hinatid ako nina Tristan sa bahay namin buti na lang at palaging wala ang mga parents namin ni Sandy kundi malintikan na hindi ko din alam kung anong pwede nilang gawin kina Christian kapag malaman nila ang nangyari sa'kin it's better to keep it na lang I'll deal with the bastards later.

Hindi naman nagtanong si Sandy nong makauwi ako kaya malaya akong nakapunta ng kwarto sobrang napagod ako sa araw na 'to ang daming nangyari muntik ko pang mapahamak ang sarili.

Biglang pumasok sa isip ko nong dumating si Einstein kanina yun ang unang pagkakataon na nag-iba ang tingin ko sa kanya kahit pala hindi kami magkasundo ay hindi niya pa din ako pinabayaan na may mangyari saking masama at yun ang ipinagpasalamat ko sa kanya.

"Hindi ka naman pala ganon kasama". Matipid na ngumiti ako sa kawalan bago ako dinalaw ng antok.

-------------------

May tumatamang sinag ng araw sa mukha ko kaya nagising ako.

What the???

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon