🌻Chapter 6 GAY?

2.8K 65 1
                                    

"I've been explaining for hours tapos tutulugan mo lang pala ako??".

Napamulat ako ng mata at nakita ang galit na galit na mukha ni Einstein.

Tama, nandito pala kami ngayon sa kwarto ko specifically nasa study table at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

"Sorry..".

"Sorry?? Anong magagawa ng sorry mo ngayong wala kang natutunan for 2 hours?".

Ewan pero uminit ang ulo ko sa sinabi niya.

"Wala?? Nasagutan ko nga ang quiz mo kanina wala pa din???". Naiinis na wika ko. Nang dahil sa kakaaral ko kagabi ay nakulangan pa nga ako ng pagtulog!

"Ah so you're telling me nakakuha ka lang ng magandang score sa quiz mo ibig sabihin don ok na ang lahat?".

"Tss. Pupunta na ko ng school may klase pa ako".

Tumayo na ako at kinuha ang maliit kong bag sa table.

"Study these chapters, humanda ka talaga sa'kin bukas kung wala kang maisasagot..sumasakit ang ulo ko sayo".

"Better then..nang tumigil na ang pagtututor mo!". Pambabara ko.

"Actually ok lang talaga sa'kin na itigil 'to eh.. Sino kaya ang babagsak kung sakali?".

Sinamaan ko siya ng tingin bago ako nagmadaling lumabas ng kwarto.

Ito na nga ba ang sinasabi ko kung siya lang naman ang magiging tutor ko wala pa din akong matutunan kundi panay away lang.

"Why are you following me?". Taas kilay kong sabi nang maramdamang nasa likuran ko siya.

"Excuse me? Ang kapal mo naman, may klase din ako".

Inirapan ako nito at nauna pang maglakad sa'kin walangya talaga buong buhay ko ngayon ko lang na-experience ang ganitong pagtrato sa'kin ng lalake. Nakakapang-init ng ulo ang sarap pumatay ng nagngangalang Terrence Einstein Lee grrrr..

Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa garahe para kunin ang baby ko. I'm referring to my car.

"Manang, where's my baby?".

Nasa'n ang kotse ko at wala siya dito sa garage??

"Naku ma'am ginamit po ni Sandy".

"What?? Why my car? Ginagamit ko yun papuntang school".

Nakakainis naman. Pa'no ako makakapunta ng school nito kung walang naiwang kotse dito sa bahay?

"Hay naku ma'am yung batang yun pinagsabihan ko nga na gagamitin mo ang kotse mo pero hindi pa din nakinig".

Talagang pasaway na Sandy, humanda siya mamaya pag-uwi niya.

By the way I have a sister who's 3 years younger than me her name is Sandy Zanea Chua and we're totally opposite period.

Si Sandy kasi ay may pagkaboyish ang trip sa buhay madalas na pinoproblema ng parents ko dahil bulakbol din ito sa school at trouble seeker ewan nga namin kung bakit nagkaganon ang kapatid kong yun.

"Si Manong Ted po?".

Tinatanong ko ang family driver namin.

"Siya po ang naghatid nila Sir papuntang Batangas".

Oh greaty. Walang pag-asa. Pagcocommute ang ending ko.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon