🌻Chapter 54 Heartbeats Fast

1.3K 36 0
                                    

Sunny Pov

Hindi. Nadala lang ako last week. Tama wag kang praning Sunny!

Kinakagat-kagat ko ang daliri sa nerbyos.

Hindi maaaring magkagusto ako sa taong kinaiinisan ko.

"No way Einstein... I see you as my enemy..seeing you always provokes me and that explains the word IMPOSSIBLE".

"I'm right... This is where we start you hated me so much Sunny...so much that I make you fall for me".

"Hindeeeee!!! Hindi talagaaaaa". Sabay gulo ko ng buhok ko.

Ano ka ngayon? Kinain mo din ang sinabi mo.

Bwesit.

Bakit siya pa??

"Ah Sunny... Nahihirapan ka ba talaga sa pag-intindi ng explanation niya?".

Mahinang bulong ni Glitter sa tabi ko at ...

Langya nasa akin na ang atensyon ng lahat.

"Ms. Chua you didn't understand my lesson?".

Huh? Le-lesson??

"Ms. Minerva mali po kayo ng iniisip".

"So you're telling me that your mind's off to somewhere?".
Mataray na turan nito.

"I'm sorry Ms. Minerva".

"Stay focus in my class or I'll send you outside".

Nakakahiya. Shet.

Kasalanan ni Einstein 'to!!!

Buong klase ni Ms. Minerva ay na-weirdohan lang si Glitter sa tabi ko.

Tingin ng tingin ito na akalain mong may kakaiba sa'kin.

*After Class...

"Bigla-bigla ka na lang nagsisigaw sa classroom kanina.?".

"Glitter...".

"Tawang-tawa ang buong klase sayo bruha ka at pinag-usapan ka pang tuluyan ng nasiraan ng tuktok dahil sa nangyari sa company niyo.. Tuluyan ka na ba talagang nag-breakdown huh?? Omg... Siguro nga sasamahan kita ngayon sa psychiatrist ngayon din!!".

"Grabe namang balita yan! Hindi ah tss".

Ibang kaso 'tong sakin.

"Ano ba kasi ang nangyari at nagsisigaw ka sa classroom? Nagmukhang baliw ka na tuloy".

"Basta..ok lang ako. Nasa ibang dimension lang talaga ang utak ko kanina".

"Shunga ka. Iba din ang trip mo no? May amnesia ka na at lahat... Nagawa pa ng utak mo na mamasyal! Girl naman... Natatakot na ako sayo huh".

"I'm fine ok? Wala kang dapat ipag-alala mas mabuti pang alalahanin mo yung boyfriend mo na nagtatampo sayo".

Tampururot na Keeth pati ako hindi pinansin dinamay pa ata sa cold war nila. Mapingot nga ang tenga non pag may time. Naiinis na ako sa dalawang abnormal na 'to wala atang araw na hindi sila nag-aaway. Bwesit ako palagi ang naiipit.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon