🌻Chapter 20 Mixed Signals

2.3K 67 12
                                    

Sunny POV

Bwisit na Einstein na yun ilang araw na akong binabagabag ng dahil sa kanya daig pa niya ang multo jusko!

"Ikaw bes ah ilang araw ka ng tulala at wala sa sarili, may problema ka ba?".

Umiling ako kay Glitter. Ayoko ngang sabihin na si Einstein ang pinoproblema ko baka kung ano pa ang isipin niya.

"Wala, I'm perfectly fine".

"Alam mo pansin ko lang simula ng naging tutor mo si Einstein ay madalas ka ng umeenglish at hindi lang yun perfect pa grammar mo te! Bilib na talaga ako kay Einstein sa pagpapatino ng dila mo".

"Hoy hindi ah magaling lang talaga akong mag-english!".

"Weh?".

Iniiwasan ko ngang mapasali ang Einstein na yun sa usapan ginawa namang topic ng magaling kong bestfriend :3.

"Alis na ako, punta akong library".

"Hay naku nahawaan ka na nga ng ispiritu ng katalinuhan". Inirapan ko lang si Glitter at nagtungo na ako sa school library.

Masungit ako ngayon. May Mens ako alam niyo na yun girls! Kaya sana walang mang-iinis sa'kin ngayon at baka mabalian ko lang siya.

"You look like Sadaku today bobo girl".

Nagpanting ang tenga ko.

I turned around and found the owner of that voice.

Sino pa ba???

It's Einstein!

Hindi ko na lang pinansin at kalmadong naglakad ako patungong bookshelf. Maghahanap ako ng libro sa marketing pagkatapos ay hihiramin ko sa library at umalis.

"Hey..".

Ay, anak ng..

Si Einstein na naman? Goodnessy, wala ako sa mood makipagbiruan sa impaktong genius na 'to ngayon.

Again, hindi ko na lang ulit pinansin.

Marketing...Marketing...

Yes! Found it!

Kinuha ko na ang libro at nilagpasan si Einstein.

"Ms. I'll borrow this book". Pumunta ako ng counter at pumirma muna ako don para makahiram ng libro mukhang naweirduhan pa nga sakin ang assistant nong librarian parang ngayon pa lang niya ako nakitang nanghiram ng libro sa library.

Hay naku ewan ko din sa sarili ko pati ako nawiweirduhan na din sa mga pinaggagawa ko naramdaman ko na lang kanina nong gumising ako ay gusto kong mag-aral ng Marketing subject mamaya. O di ba ang weird???

Ah basta. Weird na kung weird baka siguro pinaglilihian ko 'tong libro dahil nga di ba may mens ako? Hahaha siguro nga LOL. K baliw na nga ako.

"Psst...".

"Psst...".

Lumabas na ako ng library at lahat...

"Ano ba ang problema mo Einstein at sinusundan mo ako?". That's it. Huminto ako sa paglalakad at hinarap ang makulit na si Einstein habang nakapameywang.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon