🌻Chapter 60 Adrian Vs. Einstein

1.3K 32 1
                                    

Adrian Pov

I can't reach her.

Nasa'n ka na ba Sunny?

Idinial ko ulit ang number ni Sunny pero hindi pa din ito sumasagot.

Masama ang kutob ko sa nangyayari.

"Nagising na lang ako na wala na si Sunny.. I'm sorry Adrian, napakairresponsable kong kaibigan".

"Wag mong sisihin ang sarili mo Glitter". Sabi ko na lang. Hindi naman niya talaga kasalanan dahil pareho lang silang nakainom ni Sunny.

Asan ka na ba kasi Sunny?

"She's still not answering".

"Nag-aaalala na ako sa kaibigan ko Adrian".

Nandito kami ngayon sa bahay nila Sunny wala ang parents niya except Sandy.

"Ku-kuya..".

Napalingon ako kay Sandy nang tawagin niya ang atensyon ko.

"What is it Sandy?".

Kung titingnan mo siya ay parang kinakabahan ito.

"You're shaking".

"Kuya Adrian tinawagan ako ni-".

"Sunny!!". Magkasabay na sabi namin ni Glitter nang makita si Sunny na kakapasok lang ng bahay.

"Sa'n ka ba galing? Pinag-alala mo kami ng sobra.. Where are you last night?". Sunod-sunod na tanong ko habang hawak ko siya.

"Glitter.. Sandy..pwede bang iwanan niyo muna kami?".

Tumango naman ang dalawa at naiwan na kaming dalawa ni Sunny dito sa living room.

"Adrian..".

"What is it Sunny?".

At nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang umiyak sa harapan ko.

Kinakabahan ako sa inakto ni Sunny...parang gusto ko ng lumabas ng bahay na'to bago pa ako makarinig ng kung ano.

Hinawakan niya ang isang kamay ko habang nakaupo kami sa sofa.

"I'm sorry..".

Ngumiti ako ng matipid.

"Ok lang, pero pinag-alala mo kami don't do this again please..".

Umiling ito.

"No..Adrian, I'm sorry... I can't marry you".

Parang hindi maproseso ng utak ko ang sinabi ni Sunny ngayon lang.

What did she mean?

Ayaw na niyang magpakasal sakin? o tinatapos na niya ang lahat sa'min?

"Sunny..don't do this to me". My voice cracked at nararamdaman ko na din ang pagtulo ng mga luha ko saking pisngi.

Sunny can't do this to me..

"I'm..breaking up with you Adrian.. I'm so sorry..". She's crying hard while saying it.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon