🌹Epilogue

1.9K 57 2
                                    

3 years after...

"Sunny, ilang beses ko na bang sinabi sayo na ibang format ang gagamitin???".

Napaigtad ako sa lakas ng boses ng supervisor ko na twin sister ata ni Ms. Minerva yung matandang dalaga na prof namin sa Yonhwa. Pareho kasi silang mainitin ang ulo.

Tss. Ang sarap i-fire ng gurang na 'to ako naman ang nagmamay-ari ng company ng pinagtatrabahuan niya tapos tinatrato niya akong ganito? Naku..naku nakakainis na siya huh!

"Ma'am Vista ..Sorry po gagawa na lang po ako ulit". I said it with my nicest voice na hinugot ko pa sa kaloob-looban ko.

I hate plastic people but myself is an exception haha.

"Siguraduhin mo lang Ms. Chua kundi ay sasamain ka na sa'kin! Tomorrow's your deadline! Last na last na yang kapalpakan mo!".

Ang kapal ng gurang na'to hmp!

Umalis na din naman si gurang sa table ko at nagkaron ulit ako ng at peace hehe.

"Naku Ms. Chua pagpasensyahan niyo na talaga si Ma'am Vista nagmemenopause na kasi yun kaya ganyan".

"Nakakainis ang gurang na yun pero may pasensya pa naman ako". Natawa si Cindy sa sinabi ko na katabi ko lang ng table.

Buong araw wala akong ibang ginawa kundi i-pleased ang gurang na si Ma'am Vista daig pa talaga niya si Mom at Dad sa kastriktuhan sarap ipatapon sa Manila Zoo eh no?!

Umuwi ako ng bahay na pagod na pagod. May bago ba don? Araw-araw naman akong ganito pero tinatawanan lang nila akong lahat.

"Si Gurang pa din ba ang dahilan?". Natatawang sabi ni Sandy at tumabi sa'kin sa sofa dito sa living room.

"Sino pa ba?".

"Haha ate look at your face nagiging gurang ka na din".

Binato ko si Sandy ng throw pillow akala niya siguro nakakatuwa ang biro niyang yun.

"Anak, anong nangyari sa mga mata mo? Nangingitim na ano ba yan?". Nagpipigil ng tawa si Mom na kararating lang ng bahay kasama si Dad.

O di ba? Pinagkatuwaan lang ako ng pamilya ko. Tuwang-tuwa pa na ginaganito ako ni Ma'am Vista.

"Anak, it's for your own good maniwala ka magpapasalamat ka din kay Ma'am Gurang mo in the future".

Aaaaaarrrghhh... I hate Dad!

"Ewan ko sa inyo! Lalabas po muna ako ng bahay". Tumayo na ako sa kinauupuan ko.

"Where are you going?". -Mom

"Bubulabugin ang stag party ni Keeth!". I smiled evilly.

Hahaha pasensyahan Keeth ikaw ang mapagbubuntungan ko ngayon. Nong isang araw napagtripan ko din ang bridal shower ni Glitter eh sa gusto kong ma-release ang inis ko kay matandang gurang kaya silang dalawa ang napapagdiskitahan ko.

Parehong napapailing naman sila Mom alam nila na may gagawin na naman akong kalokohan.

"Bye!". Paalam ko bago umalis ng bahay.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon