🌻Chapter 17 It's Me

2.6K 63 8
                                    

Sunny Pov

Ayan ang napapala ng mga assumera Sunny..Ano ka ngayon?

Ano na ang gagawin mo ngayong bumalik na ang babaeng pinakamamahal ng taong gusto mo? </3

I don't have a choice but to walk away I know I'm out of the picture already kinalimutan na ni Tristan ang existence ko.

It really hurts parang hiniwa ng kutsilyo ang puso ko nang masaksihan ng dalawang mata ko kung pa'no nila na miss ang isa't-isa.

Bakit ganon? Bakit pa siya bumalik? Oo makapal ang mukha ko para itanong yun pero di ba sinaktan na niya si Tristan?

Pero bakit hindi nagalit si Tristan sa kanya? Bakit niya ito niyakap pabalik? Mahal niya pa ba si Mikaela?

Habang iniisip ko yun mas lalong dumoble ang sakit na nararamdaman ko halata naman kasing mahal pa din nila ang isa't-isa.

Pinipigilan ko ang mga luha ko pero hindi din naglaon ay bumigay ako alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao but hell they didn't know how much pain I've been feeling right now. Gusto ko ng umuwi.

But how?

This is more annoying. I am completely lost here I don't have a sense of direction.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hinayaan ang sarili kung sa'n man to mapadpad parang hindi rin gumagana ang utak ko nakikiayon sa puso ko shet lang.

Dahil bangag na nga ako ni hindi ko man lang napansin na may nabangga na ako.

"Look where you going! Ang sakit ng braso ko shit". Narinig kong reklamo ng lalake pero hindi ko to pinansin.

"You're not even going to say sorry?? What the?? Who are you anyway??!!".

Nagulat ako nang may humawak sa braso ko at iniharap sa kanya.

"Huh! What a small world bobo girl!!".

Oh god. Bakit siya??

Bakit???

Mas lalo tuloy sumama ang pakiramdam ko.

"Einstein?". Hindi makapaniwalang sabi ko sa pangalan niya.

"Yes it's me". Nakangising sagot nito. Tinanguan ko lang siya at nagpatuloy na ako sa paglalakad. So what kung nagkita kami ng bwesit na 'to hindi pa nga ako nakaget-over sa trip niya kagabi! Ang dami-dami niyang kasalanan sa'kin sa susunod ko na lang siya sisingilin dahil wala ako sa mood ngayon na makipagbangayan sa kanya.

"Hey, where are you going?? And where's Tristan?".

That stopped me.

Talaga bang sinasadya niyang banggitin ang pangalan ni Tristan sa kalagitnaan ng pag-eemote ko? Kung hindi ba naman siya gago at...

Wait... Bakit niya alam na magkasama nga kami?

Kumunot ang noo ko at binalikan siya sa pwesto niya.

"Don't get the wrong idea, nalaman ko nong tinawagan mo si Tristan while we're playing billiards earlier bobo girl and I found out it was you he talked to the other line".

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon