🌻Chapter 10 Still Enemies

2.4K 67 5
                                    

Pinapasok ako ni Einstein sa kotse niya gusto ko siyang kulitin kung sa'n kami pupunta pero mamaya na nga lang nakakatakot pa kasi ang awra niya mukhang mangangain ng tao.

Sa shotgun seat ako umupo at siya naman ang nag-drive lumabas kami ng Yonhwa na tahimik abala lang siya sa pagmamaneho habang ako naman ay nakatanaw lang sa labas ng bintana.

"You're too silent". Biglang imik nito sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya.

Waity..bakit parang ang awkward nga kung hindi kami magbangayan?

"Hinihintay ko lang bumaba ang anger thermometer mo". Pagsasabi ko ng totoo.

"I know how to control my anger".

"Oh really? Sa nakikita ko kasi kanina parang ikaw pa mismo ang maghahatid sa lalakeng yun kay kamatayan".

Kibit balikat lang ang isinagot nito bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Salamat pala don".

"You don't need to thank me I'm only doing what's right".

Yeah right..bakit ko ba iniisip na tinutulungan ako ng lalakeng to? For sure sarili lang naman ang iniisip niya at gaya nga ng sinabi niya di ba he's only doing what's right..tss. Antipatiko.

"Whatever ayaw ko lang magkaron ng utang na loob sayo". Napangisi ito sa sinabi ko.

Matapos ko yung sabihin ay wala ng nagsalita sa aming dalawa at binabaybay na lang namin ang daan ng tahimik hindi ko pa din alam kung sa'n niya ako dadalhin pero hinayaan ko na lang wala akong balak ngayong araw na makipagbangayan sa lalakeng 'to sobrang dami ko na kayang problema haaay.

After few hours ay huminto na din ang kotse.

"Wala ka bang balak lumabas diyan?".

Anong oras na ba?

Napatingin ako sa relo ko at 5:30 pm na pala ng hapon??, ang bilis naman ng oras. Pinakatitigan ko pa ito ng mabuti kung nagsasabi ito ng totoo.

"Grabe, nakakainis yung traffic".-Einstein

Oo nga pala, sa lalim ng iniisip ko ni hindi ko napansin yun.

Lumabas na din ako ng kotse at sumunod sa kanya namangha ako sa paligid ng makita ito. Nasa taas kami ng cliff kitang-kita ang buong syudad sa ibaba nito.

"Hindi ko alam na may ganitong lugar pala dito".

"Tss". He smirked.

"Anong lugar 'to?".

"This is my spot. I usually drive here kapag wala ako sa mood at gustong lumayo sa mga problema".

Napangiti ako sa sinabi niya. Is he saying na dinala niya ako dito para mailayo sa mga problema ko sa Yonhwa? Infairness nakakatouch ng slight.

"This is beautiful".

"Yes lalo na ngayong sunset".

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.

"Why you hate me?".

Nabigla ako sa tanong niya kaya napalingon ako sa kanya.

Seryoso ang mukha nito at mukhang inaantay ang magiging sagot ko.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon