🌻Chapter 63 Danger in Love

1.5K 42 2
                                    

Sunny Pov

"Maam Sunny, may sulat po kayo sa mailbox". Inabot sakin ni Inday ang isang white envelope.

Kakababa ko lang ng hagdan at nagtaka naman ako kung bakit may sulat na para sakin?

Mostly kasi ay para ito kina Mom at Dad. Puro Business letters.

Kinuha ko naman ito kay Inday at umupo ako sa sofa dito sa livingroom.

Binuksan ko ang envelope.

Pero sa gulat ko ay natapon ko ang laman nito sa carpet.

Nanginginig na tiningnan ko ulit ang litratong yun kung tama ba yung nakita ko.

Isang larawan ko at may malaking X ang nakasulat dito.

Isang larawan ko at may malaking X ang nakasulat dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinuha ko ang picture sa sahig.

Kahit kinakabahan ay tiningnan ko pa din ang likuran ng larawan.

Hi Ms. Sunshine Claire Chua ang ganda mo talaga sa larawang 'to. Ang ganda-ganda ng ngiti mo... Sayang naman bilang na lang ang oras mo sa mundo.
-You're Nightmare ❤️

Halos sumabog ang puso ko sa kaba nang mabasa ang mensahe.

Ano 'to?
May gustong pumatay sakin???

"Oh my god!! Ano yan ate??".

Kinuha ni Sandy ang litrato nang hindi ko man lang napansin na nasa likuran ko pala siya.

"Hindi ko alam... May nagpadala sakin niyan at hinulog sa mailbox natin".

"Ate... Someone wants you...dead". Kinakabahang sabi ni Sandy.

"At sino naman ang gustong pumatay sakin? Wala akong kaaway...".

Bakit ako??... Sino bang gustong pumatay sakin?
Si Neo ba?

Pinakiusapan ko si Sandy kung pwede ay isisekreto namin 'to kay Mom. Ayaw kong mag-alala sila sakin kalulutas lang ng problema namin at ayaw ko muna silang bigyan ng panibagong isipin, mabuti at naintindihan ni Sandy at nangako siya sakin na wag munang ipaalam sa parents namin.

"Prank lang guro yan Sandy kaya wag mo masyadong isipin". Sabi ko na lang sa kapatid.

Pumasok na ako ng Yonhwa at hindi na inisip pa ang litratong yun. Ayaw kong maging praning sa paligid ko kaya mas pinili ko na lang kalimutan yun.

"May field trip tayo with the 4th year for 2 days at magsisimula na bukas".

Muntik ko ng makalimutan.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon