🌻Chapter 15 A Night with Einstein

2.6K 65 3
                                    

Sunny POV

*TOK TOK TOK

"Terrence anak".

Parehong nanlaki ang mga mata namin at magkasabay na napatingin sa pintuan.

"Aissh, nalintikan na!".

We're dead. OMG.

"Higa!!".

Nagulantang ako sa sinabi ni Einstein. Anong higa ang pinagsasabi ng lokong to??

"Shit. This isn't time for your slow pick up bobo girl, gusto mo na ba talagang mamatay? Here, cover this blanket hurry!!".

Hinagis niya sakin ang may kalakihang kumot at dahil nga nataranta ako sa sinabi niya ay agad ko ng tinakluban ang sarili.

"Terrence anak, papasok na ako".

Gosh. Boses pa lang ng mommy ni Einstein tumatayo na ang balahibo ko, hindi pa naman kami in good terms nang ma-ospital ang paborito nilang anak.

"Wait mom, ako na ang magbubukas".

Narinig ko ang mga yapag nito papunta sa pintuan ng kwarto niya para pagbuksan ang ina.

"What took you so long? Are you not feeling well?".

Baby talaga kung ituring nila si Einstein.

"I'm ok mom".

"I heard you're shouting a while ago, I thought you're sick".

Paktay. Narinig niya kami kanina? Kung ganon katapusan ko na!

"Ah..I had a call with Tristan earlier we're just having a convo you know..we often shout to pissed each other but we're good".

Ang galing talaga magpalusot ng loko. Tsk tsk.

"Oh ok, have you eaten your dinner already?".

"Not yet, I'll call Manang Lucy to deliver my dinner here".

"Why here? Why don't you go to the dining room? Sorry Terrence, we already ate outside we're quite busy today".

"I know you're always busy..".

"Terrence nagtatampo ka ba?".

Bakit pakiramdam ko malayo ang loob ni Einstein sa parents niya? Kung hindi ako nag-aassume huh..

"No mom, sige na po matulog na kayo I know you're very tired today..Goodnight".

At narinig ko na ang pagsara ng pintuan.

Whoah that was..awkwardy?

Inalis ko na ang kumot at nakita ang dismayadong mukha ni Einstein. Wait...sa pagkakakilala ko sa lalakeng 'to hindi siya yung tipong madrama? What's happening?

"Are you ok?". Ayan, hinugot ko pa yan sa baul para lang matanong siya kung ok lang ba siya.. Ang lungkot niya kasi parang hindi siya, ang tindi kaya ng pagkamahangin at bully niya tapos pakikitaan niya ako ng ganitong side.? It's weirdy you know!

"Are you hungry already?".

Wow umiwas ata sa tanong ko so it means he's not ok..wag ko na lang pilitin pasagutin.

"Medyo..". Pagsasabi ko ng totoo, gutom na ako really.

"Ipapahatid ko na lang dito kay Manang Lucy ang dinner natin".

Tumango lang ako at lumapit naman siya sa side table ng kama niya para tumawag sa telephone.

----------------------

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon