🌻Chapter 29 First Date Epic

2.2K 53 0
                                        

Sunny Pov

"Akala ko ba may date ka?".

Yun na nga eh... Tuloy pa kaya kami matapos ang mga nangyari kanina?

"Parang hindi na ata matutuloy Glitter". Malungkot na sabi ko habang nakapangalumbaba with matching buntong-hininga effect.

"At bakit naman hindi matutuloy aber? Eh sino yang naghihintay sa labas?".

"Huh?".

Ngumuso si Glitter at sinundan ko naman ito ng tinggin hanggang sa lumanding kay..

"Einstein??".

"Tss". -Einstein

Kunot-noong lumapit ito sa gawi namin habang nakapamulsa.

Kami na lang pala ni Glitter ang naiwan dito sa classroom.

"Nabigyan ka lang ng bouquet ni Tristan ayaw mo ng sumipot sa date natin".

"BINIGYAN NI KUYA SI SUNNY NG BOUQUET???".

Jusko pambihirang Glitter 'to ang lakas ng boses nabutas ata ang eardrums ko sa kanya.

"Really Glitter? Try to lower your voice next time or I'll cut your throat". Saway naman ni Einstein sa pinsan niya.

"Hehe sorry naman..pero totoo bang binigyan ka ni Kuya ng bouquet? Nasa'n na??".

"Tinapon ko na". Iritang sagot ni Einstein. Tingnan mo 'to ako ang tinatanong nakikisabat pa tss.

"Naku wag kang maniwala dito, nasa locker ko nilagay".

"At talagang ayaw mo ipakita sa'kin no?". Sinamaan pa ako ng tingin aba't..

"Alam ko na ang ugali mo hoi". I rolled my eyes at Einstein.

"Naku naman...ang tigas talaga ng ulo ni Kuya..ayaw paawat, pa'no ba yan Einstein?".

"Well.. I'm extending my patience for him sana lang wag niyang sagarin".

"Hay..bahala na nga kayo sa mga buhay niyo basta't wag lang kayong magpatayan". Napapailing na lang si Glitter at kinuha na ang bag niya sa mesa namin.

----------------------

"Sa'n tayo pupunta?".

"Sa date natin? Tss". Pamimilosopo ni Einstein kaya pinapatay ko na siya sa tingin. Kanina pa niya ako inaartehan ng ganyan ah.

Siya ang nagmamaneho at ako naman ay nakaupo sa shotgun ng kotse niya.

"Ang saya mo talaga kausap". Sarcastic na sabi ko sa kanya.

Hindi na ako nagsalita pa alam ko kasing pamimilosopo na naman ang isasagot ng impakto kaya nananahimik na ako at baka tuluyan pang masira ang date namin haiist.

30 minutes din ang itinagal ng byahe namin bago kami nakarating sa isang mall.

"Anong gagawin natin dito?".

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon