"Kasalanan ko 'to". Umiiyak na sambit ko habang pinapatahan ako ni Glitter sa tabi ko.
Around 11:30 pm ng gabi nang isinugod si Einstein sa ospital kung hindi pa dumating sila Tristan kanina para marescue kami talagang natuluyan na siya sabi kasi ng doktor kanina ay mahina ang resistensiya ni Einstein sa malalamig na lugar kaya hindi nito kinaya lalo na't natagalan kami don, isang milagro talaga at buhay pa siya ngayon.
Ganon nga siguro kapag isang masamang damo, matagal talagang namamatay!
"Hindi mo kasalanan ano ka ba! Kasalanan nila Christian!! Naku..kung ako sa kanila ay magtago na sila sa mga oras na 'to dahil tiyak hindi na simpleng ganti ang aabutin nila sa mga Lee".
"Pero ako pa din ang nagdala sa kanya sa kapahamakan kung bakit ba kasi yung numero pa niya ang unang nakita ko sa cellphone ko!!".
"You pressed the right number, you chose the right person to help you".
"Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung may ibang taong napapahamak ng dahil sa'kin".
"Stop crying... Ok na naman siya, pareho na kayong ligtas!". Niyakap ako ni Glitter kaya mas lalo akong naiyak.
Sinuntok ni Tristan ang pader kaya medyo napapitlag ako sa gulat ngayon ko lang kasi siyang nakitang ganon kagalit.
"Talagang inuubos ng Strikers ang pasensya namin!".
"Strikers?". Nagtatakang tanong ko kay Glitter pero umiling lang ito.
Tumayo si Glitter sa kinauupuan niya at nilapitan si Tristan.
"Calm down kuya...so ano na ang mangyayari sa kanila?".
"Ano pa nga ba? Nalaman na nila Tito ang nangyari sa paboritong anak nila eh di malamang magsara ang mga kompanya ng mga yun!".
Hala! Kaya ng pamilya nila Einstein na pabagsakin ang kompanya nila Christian?
Kung ganon! talagang nakakatakot palang kalabanin ang mga Lee hindi naman siguro pababagsakin nila Einstein ang kompanya namin ano?"Dapat lang sa mga yun! Sumusobra na eh!".
Kita mo 'to siya ang nagpapakalma sa Kuya niya siya na naman ang highblood.
"Excuse me, nadala na po namin si Mr. Lee sa room niya". Nakangiting sabi nong nurse sa'min.
Sumunod kami sa nurse patungo sa room ni Einstein. Nang maabutan namin 'to ay gising na siya.
"How are you?". Tanong ni Tristan sa pinsan.
"I'm fine". Tumingin ito sa direksyon ko kaya parang nahiya naman ako.
"How about you? Are you ok?". Sa'kin niya pinasa ang tanong.
Tumango lang ako at yumuko ulit. Ano ba naman 'to simula nong tinutulungan niya ako ay nakakaramdam na ako ng hiya sa kanya.
Siguro dahil magkaaway kami at ang weird kasi na tinutulungan niya ako right?
"I'm sorry bro, we did everything para hindi malaman ng parents mo".
"I understand, malalaman din naman talaga nila".
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang may edad na ginang at ginoo sa kwarto ni Einstein. Sa tingin ko ay sila na ata ang sinasabing parents ni Einstein sa ayos pa lang ng mga to ay mapaghalataang mayayaman at mataas ang estado sa lipunan.

BINABASA MO ANG
Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]
Teen FictionBEAUTY WITH BRAINS? No way! She is just CONFIDENTLY BEAUTIFUL ;) Meet Sunshine Claire Chua a half-blooded Chinese-Filipino and known in the campus as aka "SUNNY". Sure she is famous in Yonhwa University as the most beautiful girl in the campus but...