"You should meet Ms. Minerva's cut off! That's our goal!".
Tumaas ang isang kilay ko habang pinagmamasdan siya na panay lipat ng mga pages sa libro namin."I know her strats in giving exams so you should study this! 95% sure she will include it!".
Mukhang seryoso nga ata siya sa pagtuturo sa'kin ngayong araw haaay...
"Hey, are you listening?".
Tumango lang ako at bumalik ulit siya sa pag-scan ng libro. Ngayong nakita ko siya na nagkakaganyan napagtanto ko na ang layo talaga ng ugali niya nong ipinakita niya sa school kahapon yun bang sanay makipag-basag ulo?
..wait..hindi kaya??
OMG!!!
"Hoy, bakit parang nakakita ka ng multo diyan?". Kunot-noong tanong nito at ibinaba ang librong hawak niya. Nandito kami ngayon sa library ng school pinadiretso na niya ako dito kanina instead sa bahay dahil may kanya-kanya kaming klase after this.
"May tanong ako ah..".
"Ok what is it?".
Nagdadalawang isip pa ako kung dapat ko ba yung itanong o hindi pero sige na nga!
"Gangster ka ba??".
Sumama ang tingin niya sa'kin kaya mas lalo ko tuloy na confirm na-
"Akala ko pa naman related sa topic natin ang itatanong mo yun pala walang kwenta". Napapailing na wika nito.
"So, gangster ka nga??".
He rolled his eyes bago ulit ito nagsalita.
"Sa gwapo at talino kong 'to? Gangster?? Sa'n ang utak mo??".
Sabi ko na nga, hindi..
Pero bakit sanay ata siyang makipagbasag ulo??
"Chismosa ka din pala Sunny...anyway balik tayo sa pinag-aralan natin at iwaksi mo sa isipan mo ang hindi naman kasali sa topic!".
Iritadong binigay niya sa'kin ang libro at nagsimula na namang mag-explain sa harapan ko kaya nakinig na lang ako sa kanya at pansamantalang kinalimutan ang about sa gangster thingy! Mabuti pa at si Glitter na lang ang tatanungin ko.
"Quiz tomorrow, make it perfect".
"Ano?? Nagbibiro ka ba??".
"I'm not kidding.. The next time na may sasabihin ako asahan mong seryoso kaya wag mo na ko matanong ng ganyan, nakakairita".
Hmp. Suplado talaga.
Once in a bluemoon lang ata ito inaatake ng kabaitan eh."PMSing ka talaga araw-araw no?".
Inirapan lang ako nito at tumayo na, parang gusto ko na tuloy maniwala don sa babae na may tinatagong kabaklaan ang Einstein na 'to tss.
"Ui wait, wag mo naman akong iwan!".
Ininguso ko ng pasikreto ang mga tao sa paligid baka mamaya niyan kapag naiwan akong mag-isa dito may mangyayari na namang hindi maganda.
"Let's go". Nakapoker face na sabi nito kaya sumabay naman ako sa kanya.
Lumabas kami ng library na peaceful though masasama ang tingin ng mga estudyante sa'kin ay mas mabuti na yun kesa matulad kahapon na harap-harapan na akong binabastos.
"Bilisan mo maglakad diyan, may klase pa ako".
Binilisan ko naman ang lakad ko para makasabay siya may kaunting kabaitan ata siya ngayon at nagawa pa akong ihatid sa classroom ko.

BINABASA MO ANG
Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]
Teen FictionBEAUTY WITH BRAINS? No way! She is just CONFIDENTLY BEAUTIFUL ;) Meet Sunshine Claire Chua a half-blooded Chinese-Filipino and known in the campus as aka "SUNNY". Sure she is famous in Yonhwa University as the most beautiful girl in the campus but...