🌻Chapter 65 The Wedding

1.5K 35 1
                                    

Sunny Pov

After the incident with Chanel in our last day of fieldtrip hindi na naman niya ako ginugulo. Isang linggo na ang lumipas at pinagchichismisan na ng buong Yonhwa ang kasal nila Einstein at Chanel na magaganap na ngayong Friday.

"Sunny, wag ka na lang kaya pumasok?".

"At bakit naman Glitter?".

Napakamot ito sa ulo at mahahalatang may gusto itong sabihin sa'kin.

"Sabihin mo na kasi".
Pareho kaming huminto sa paglalakad dito sa school corridors.

"Sunny, I think this week will be a disaster for you kaya I suggest that you'll take the days as your vacation?".

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Glitter.

"Ayokong umabsent". Simpleng sagot ko sa kanya at magpapatuloy na sana sa paglalakad nang pigilan niya ako.

"Look, Sunny I'm concerned as your bestfriend kung papasok ka buong linggo dito sa Yonhwa masasaktan ka lang and please don't ever say to me na wala na lang sayo o kaya mo na kasi alam kong hindi... You're hurting".

Napalunok ako sa sinabi ni Glitter kilalang-kilala niya talaga ako kahit na umakto pa akong hindi affected sa kasal ni Einstein.

"Sunny..". Nakatitig siya sa mga mata ko habang nakapatong ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko.

"You're not ok so stop acting that your fine".

"Glitter..".

"I don't want to see you hurting it is a torture for you kung papasok ka ngayong linggo believe me things will turn out worser sa mga susunod na araw".

"..Then ano ba ang dapat kong gawin Glitter?". Garalgal na tanong ko sa bestfriend ko.

"Don't attend classes this week please lang".

"No Glitter, Ayokong maapektuhan ang pag-aaral ko nang dahil lang sa pagiging brokenhearted. I don't want to be the old Sunny ..I don't want to be a coward.. If I can't handle the pain nandiyan naman kayo ni Keeth to comfort me di ba?". I smiled bitterly.

I'm close to tears now but I tried to refrain myself from crying. Nakakapagod na din ang palaging umiiyak. Kahit na mag-iiyak pa ako at samahan pa ng paglulupasay araw-araw wala naman ding mababago ikakasal at ikakasal pa din ang lalakeng mahal ko sa iba.

Palagi kong sinasabi sa sarili na tama na at wala na talagang pag-asa pero nakakainis talaga kapag ang puso ay hindi makisama sa utak. Nakakapagod na ..sobra, kaya sana naman maintindihan na ng peste kong puso na tumitibok pa din para kay Einstein na nahihirapan na ako at sana makisama na siya.

Wala namang baril, kutsilyo o kung anu-ano pang mga delikadong bagay si Love pero kayang-kaya ka niyang saktan o patayin sa sakit.

"Sunny can't you understand? You're killing yourself pakinggan mo naman ako".

"Glitter mas mabuti ng ganito kasi kung palagi akong nasasaktan kusang titigil ang puso ko sa pagmamahal sa kanya maniwala ka..siguro kelangan ko lang talaga harapin nang sa ganon maiintindihan na nito". Sabay turo ko sa puso ko.

"Sunny...". Niyakap ako ni Glitter at ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya sa'kin. Sa lahat ng tao sa mundo ang pamilya ko, si Keeth at Glitter lang talaga ang constant sa buhay ko at laking pasasalamat ko sa kanila.

"Fine. If you're in pain we're here for you always".

______________

"Malling tayo, ano game?". Aya ni Keeth sa amin nang matapos ang huling subject namin sa araw na 'to.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon