🌻Chapter 12 Strikers

2.1K 54 0
                                    

Einstein Pov

"Tristan! Einstein!!".
Pareho kaming napalingon ni Tristan sa boses na yun.
Sino pa ba ang may ganon kalakas na boses na daig pa ang sirena ng ambulansya?

"Glitter..bakit?". Tanong ni Tristan sa kapatid niya.

"Nakita niyo ba si Sunny?". Nag-aalalang tanong nito.

Sunny? Bakit niya hinahanap ang babaeng yun sa amin?

"Hindi, bakit?". Nakakunot noong sagot ni Tristan kay Glitter.

"Kanina ko pa kasi siya tinatawagan eh kaso naka-off ata ang phone niya..hindi naman siya ganito di ba? Palagi naman yun sumasagot miski nga disoras ng gabi kapag nagriring ang phone niya sinasagot pa din niya".

"Baka na-lowbat lang". Sabi ko naman.

"Like hello?? Fully charge nga ang powerbank non ngayong araw, pinakita niya pa nga sa'kin kanina".

"Ok wag ka muna masyadong mataranta diyan baka may pinuntahan lang yun at pinatay ang phone". -Tristan

"Eh Kuya!! You know Sunny!! Kelan ba yun hindi tumatawag o tumetext sakin nangyayari lang yun tuwing may masamang nangyayari sa kanya!!!".

Natutop nito ang bibig sabay panlalaki ng mata niya.

"Oh gosh ganito rin tayo right nong umabsent si Sunny nong isang araw?!". Bakas na sa mukha ng pinsan ko ang pagkataranta.

"Sis, wag ka munang mag-conclude diyan pati kami dito nag-aalala na din tuloy". Kinakabahang sabi ni Tristan.

*RING *RING

Parehong napatingin sa'kin ang dalawa nang tumunog ang isang cellphone.

"It's yours". Sabi ni Tristan dahil obvious na sa bulsa ko nagmumula ang tunog.

Kinuha ko naman ito at nakita ang nakarehistrong pangalan ni Sunny kaya medyo nagulat ako.

"Si Sunny! Sagutin mo!!". Nag-aalalang sabi ni Glitter sa tabi ko.

Pinindot ko ang ACCEPT button at nagsalita na ako.

"Hoy bobo girl, sa'ng lupalop ka ba ng Pilipinas at nag-aalala na si Glitter dito?".

"Einstein...".

Wait. Parang nahihirapan ata tong sabihin ang pangalan ko.

"Na'san ka nga??".

"Einstein...hindi ako makahinga, ang la-mig dito".

"What??? Where are you???".

Ni-loudspeak ko na ang phone para marinig ng dalawang kasama ko.

"I don't know.. Paggising ko nandito na ako".

"Turn on your GPS".

"Einstein... Bilisan mo please..hindi ko na kaya".
Umiiyak na wika nito kaya napakuyom ang palad ko.

Ano na naman 'to???

"I'll be there".

Bigla na lang namatay ang tawag matapos ko yung sabihin. Mabuti na lang at naka-on na ang GPS niya.

"Bakit puro kapahamakan ang lumalapit kay Sunny these days?? Natatakot na ako para sa kaibigan ko!!!". Umiiyak na sabi ni Glitter.

"Chase, paki-check kung anong location tong ipapasa ko". Utos ko sa kabilang linya at ibinaba na din ang tawag.

Maya-maya lang ay nag-ring ulit ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon