🌻Chapter 47 Arrogant Genius

1.4K 34 3
                                    

Sunny Pov

Nakalabas na ako ng ospital at ngayon ay papasok na ulit ako sa Yonhwa.

"Ma'am susunduin po kita pagkatapos ng klase mo". Sabi ni Manong Ted bago siya umalis.

Haaay... Gusto ko sanang mag-drive pinagbawalan naman ako ni Mom dahil hindi pa raw ako gumagaling and kagagaling ko lang din sa aksidente.

Like duhh... I'm perfectly fine na nga! Ang weirdo ng mga tao sa paligid ko.

Naglalakad na ako ngayon patungong classroom nang may bumangga sa'kin.

"Oh I'm sorry....my bad..".

She looks unfamiliar...bagong student sa Yonhwa?

Maganda siya at mukhang koreana. Sino ba 'to?

"Ok lang :) hindi mo naman sinasadya". Sabi ko at nginitian ang magandang babae mukha naman siyang mabait.

"I'm sorry, did I missed something here?". Gulat na saad nito habang nakatingin sa'kin. Titig na titig pa nga siya na tila naguluhan sa sinabi ko.

"Mukhang bagong student ka dito sa Yonhwa. Ako nga pala si Sunshine Claire Chua but students here prefer to call me Sunny :)". Inabot ko ang isang kamay ko kay girl para makipag-handshake.

"Ahh..Errr Chanel Faye Montez yeah I'm new here". Kunot-noong pagpapakilala niya.

"So, see you around Chanel :) you look nice". Sabi ko before I continued to walk.

Chanel pala pangalan niya...

*at classroom

"Glitter may nakilala akong babae kanina maganda tapos mukhang koreana".

Balita ko kay bestfriend sa tabi ko.

"Sino naman?". Nagsusulat siya sa notebook niya.

"Chanel nakalimutan ko ang apelyedo".

Napahinto ito sa pagsusulat at gulat na gulat na tumingin sakin.

"Seriously???".

Napatakip ako ng tenga.

"Teka, ang eardrums ko". Reklamo ko sa biglaang pagsigaw ni Glitter.

"Sunny... Siya ba ang tinutukoy mo?". Kinalabit ako ni Keeth sa tabi ko at tinuro ang babaeng kakapasok lang ng classroom namin.

"Siya nga! Wow..classmates pala natin siya?". Masayang sabi ko at manghang-mangha na kaklase pala namin siya.

"Bruha ka..halos isumpa mo nga ang babaeng yan tapos ngayon..".

"Anong sabi mo Glitter?".

"Wala...". Iling nito bago ibinalik ang atensyon sa sinusulat.

"I want to be friends with her :)". I said na ikinanganga ng dalawang bestfriend ko.

Problema ng mga 'to??

After 3 subjects this morning ay break na namin kaya sabay-sabay kaming tatlo na lumabas ng classroom.

"Wait.. Kawawa naman si Chanel mukhang solo flight lang siya".

"Hey Sunny tara na!". -Glitter.

"Teka lang..isasama natin siya".

"Oh my god Sunny.. I can't believe this". Ginulo ni Glitter ang buhok niya sinumpong na naman ata.

"Chanel!". Tawag ko sa kanya.

"Ah Hi :) Why Sunny?".

Lumapit ito sa gawi namin.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon