🌻Chapter 4 He's Annoying

3.1K 71 13
                                    

"Aaaaaargggh...Hindi talaga ako makapaniwala na magiging tutor ko ang Einstein na yun!!!".

Ginulo ko ang buhok sa inis parang ang sarap manuntok ng araw na 'to. Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na sa paraang yun gaganti ang pesteng Einstein na yun.

"Hahaha kawawa ka naman girl, sabi ko naman di ba na mag-ingat ka kay Einstein ibang klase mag-isip ang pinsan naming yun, O ano ka ngayon? Pinuntirya ka pa talaga sa kahinaan mo". Imbes na makiramay ang bestfriend ko ay natatawa pa ito sa harap ko.

"Peste! Peste ang lalakeng yun!".

"Kahit magwala ka pa diyan wala ka ng lusot si Ms. Minerva pa talaga kakampi ng kaaway mo, haaay..good luck huh?".

Sinamaan ko ng tingin si Glitter talagang hindi nakakatuwa ang mga sinabi niya kahit hindi ko man aminin lahat naman ay totoo.

"You just have to endure it for awhile isipin mo na lang kung pa'no maka-survive sa subject ni Ms. Minerva minus the fact that you need Einstein to help you at tiyaka girl I think he's revenge isn't bad at all Oo nga't maiinis ka sa kanya dahil araw-araw mo siyang makikita at makakausap but well..He's a great help to you yun na lang ang isipin mo".

Sana nga ganon na lang kadali isipin pero hello??? Si Einstein Lee ang tutulong sa'kin?? Hinding-hindi matatanggap ng pride ko no! I really despised that guy since I met him! Siya lang ang nag-iisang lalake dito sa Yonhwa na ang lakas ng loob na sabihan akong hindi attractive? And worst ang tingin niya sakin ay isang virus na nakakahawa ng kabobohan! Jusko nakaka-stress. Ako si Sunny ang kinaiinggitan ng mga kababaihan at pinapangarap ng mga kalalakihan ay nilalait lang ng genius na yun!

"Sumasakit ang buong katawan ko sa Einstein na yun! Sa tingin ko kapag nakikita ko siya araw-araw ay papanget ako ng dahil sa stress".

"Wag mo na lang kasi pansinin, ikaw din naman kasi ayaw patalo sa lalakeng yun".

"Huh! Kung akala niya ay lahat ng estudyante dito sa Yonhwa ay matatakot sa kanya pwes! Ibahin niya ako! Talagang puputulan ko siya ng sungay". Gigil na gigil na saad ko at pinapatay ko na sa isip ang genius na yun.

"Bahala na kayo sa buhay niyo, sana walang mamamatay sa konsimisyon sa inyong dalawa pati ako na-iistress na din".

Napahilot si Glitter sa noo niya na akalain mong sumasakit talaga ang ulo niya sa kakaisip sa amin.

Nandito kami ngayon sa canteen imbes kumain ay panay reklamo lang ang ginawa ko dito simula kasi nong nalaman ko kanina na si Einstein ang magiging tutor ko ay nasira na ang appetite ko.

"Are you guys ok?".

Nabigla ako nang may tumapik sa balikat ko kaya inangat ko ang ulo at nakita si Tristan. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay kinikilig na naman ako sa kinauupuan ko pero ng dahil sa tindi siguro ng inis sa natanggap kong balita kanina ay nakalimutan ko na ang kalandian.

"Hay naku Kuya ginantihan na siya ni Einstein mukhang hindi na ata matatapos ang gulo nila". Namomroblemang balita ni Glitter sa nakakatandang kapatid.

"What??". Hindi makapaniwalang saad ni Tristan bago umupo sa tabihan ko.

"Good news, ang matalino nating pinsan naging tutor ng bobo kong kaibigan".

"Glitter!". Naiinis na sabi ko. Sabihan ba naman ang crush ko na bobo ako ng harap-harapan??, walangya talagang Glitter na'to.

"Tutor?? But how come? Madami namang matatalino sa level niyo and besides Einstein's my classmate though kaedad niyo lang siya". Naguguluhang tanong nito.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon