🌻Chapter 34 Hatred and Decision

1.9K 51 10
                                    

Einstein Pov

I can't believe that Sunny can hurt me like this. This is too much mas masakit pa 'to kesa nong ginawa ni Chanel sakin.

Kung kelan binuksan ko na ang puso na magmahal ulit binasag naman ng babaeng mahal ko. Nakakatawa... Ang malas ko lang talaga siguro sa pag-ibig.

"Bro tama na yan". Inagaw ni Drake ang panibagong baso ng alak ko.

"Ano ba?? Kelangan ko yan Drake, Fuck this heart".

"Lasing ka na, iuuwi ka na namin". Sabi naman ni Chase sa tabi ko.

"And what? Para maramdaman ko na naman kung paano ako niloko? Mahal na mahal ko si Sunny...What did I do para saktan niya ako ng ganito?".

"Bro, tama na yan".

"Kung pwede lang patigilin ang lintek na pusong to para mahalin siya!".

Mapupungay na ang mga mata ko na halatang lasing na. Kahit malabo man ang paningin ay naaanigan ko pa din ang pag-iling ng dalawang kaibigan ko habang naaawang nakatingin sa'kin.

"I'm fucking genius! But why I couldn't find a solution to fix this broken shit??".

Para akong tanga na iyak ng iyak dito sa bar counter nagmukha akong ewan sa inaakto ko ngayon but I don't care! I'm fucking hurt and I can't do anything about it!

"Mahal mo lang talaga siya kaya nasasaktan ka ng ganyan". I heard Drake said.

"I'm so unlucky with girls".

"No Einstein hindi mo pa pala talaga nakita ang babaeng nararapat sayo". Chase.

Hindi pa?? But Sunny is the one for me but she break me.

Sunny Pov

"Ate..buksan mo naman ang pinto".

Ilang araw na akong nagkukulong sa kwarto ko ayaw ko munang pumasok sa Yonhwa.

Hindi ko pa kaya...

"Ate naman... Nag-aalala na kaming lahat sayo..".

Nandiyan na sana ang lalakeng mamahalin ko tapos...nangyari pa 'to..parang ang hirap tanggapin na galit na galit si Einstein sa'kin.

Sanay akong mag-away kami pero hindi naman ganito na talagang sinasaktan namin ang damdamin ng isa't-isa.

Sinisisi ko ang sarili sa nangyari. Ni hindi ko man lang alam kung totoo ba yung sinasabi ng pictures tungkol sa'kin. Wala akong natatandaan...wala talaga...

Nakita ko na lang ang sarili sa isang hotel room at yun lang ang alam ko.
Wala akong mukhang maihaharap sa Yonhwa lalo na kay Einstein.

"Sunny! Buksan mo naman 'tong pinto...". Araw-arawin na ata nila Glitter ang pagpunta dito sa bahay namin para lang kausapin ako pero ayaw ko namang lumabas.

"Sunny, you're better than this..Face your problem hindi solusyon ang magkulong sa kwarto mo". And of course, Keeth.

"Ate.. I'll really call our parents kung patuloy kang ganito".

"Just leave me alone".

"Sunny! So ganon na lang?? Hahayaan mong mamis-understand ka ni Einstein habambuhay?". -Glitter.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon