🌻Chapter 23 Realization

2.2K 63 16
                                    

Sunny Pov

I should be happy right?

Now that Einstein's gone already in my life I should be celebrating!

Pero hindi...kabaliktaran ang nararamdaman ko ngayon.

Nalulungkot ako at nasasaktan.

Nasanay na kasi akong nandiyan na palagi si Einstein! Na araw-araw kausap ko siya pero ngayon mas matindi pa ata kami sa strangers.

Mas ok pa ata sakin na nag-aaway kami ng dahil sa walang kwentang bagay at least alam kong ganon ang normal na batian namin.

"Sunny, are you sick? Ang putla mo". Nag-aalalang tanong ni Glitter sabay hipo nito sa noo ko.

"Omg! May lagnat ka! Why didn't you tell me?".

Ilang araw na akong wala sa sarili hindi ako umiimik at pansin na din ito ng mga kaklase ko.

Alam kong hindi sila sanay sa aura ko ngayon parang napaka-dull ko at walang kabuhay-buhay.

Hindi ko din alam kung bakit nagkakaganito ako. Nagsimula lang 'to nong huling pag-uusap namin ni Einstein sa elevator ng tinutuluyan niyang condominium.

Akala ko dala lang ng pag-aalala at init ng ulo ni Einstein kaya nasabi niya yun sa'kin pero tinotoo niya nga, tuwing makakasalubong ko siya sa hallway ay umiiba siya ng direksyon.

Gulong-gulo na ako...Bakit ba biglang nagkaganon ang pakikitungo ni Einstein sa'kin?

At ang mas lalong nakakapagtaka kung dati hindi niya pinapansin ang mga babae sa school ngayon ay kinakausap at nakikipagtawanan pa siya dito.

"Hi Einstein!".

Medyo nagulat ako nang marinig ang kaklase ko na binati si Einstein sa labas ng classroom namin. Nasa may banda ng bintana ang inuupuan ko kaya nakikita ko sila.

"Hi :)".

Bati din ni Einstein sa kaklase ko at nagpatuloy na ito sa paglalakad habang nakapamulsa.

"Omg!! Omg!! So totoo ngang pinapansin na ni Einstein ang mga girls dito sa Yonhwa!!!". Parang kiti-kiti na kinilig naman ang kaklase ko dahil sa pagbati din sa kanya ni Einstein.

Nagsimula ng umingay ang classroom at si Einstein ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko.

"He's so mean". Mahinang bulong ni Glitter sa tabi ko.

"What?".

"Nothing...". She pretended to text someone para ilihis siguro ang kyuryosidad ko hinayaan ko na lang si Glitter dahil wala din ako sa mood makipag-usap.

Ewan...I'm really weird.

"Let's go, ihahatid kita sa bahay niyo". Tumayo na si Glitter at hinigit niya ako patayo sa inuupuan ko.

"Bakit ba? May klase pa tayo".

"Don't be stubborn Sunny! Nilalagnat ka na nga pumasok ka pa?".

"It's Wednesday Glitter...". Mahinang sabi ko. Ang araw kasi na 'to ay busy ng activities na pinapagawa sa amin ng mga professor.

"Yes it's Wednesday Sunny pero sa ayaw at sa gusto mo ay iuuwi kita sa bahay niyo".

Tuluyan na akong nahila ni Glitter papalabas ng classroom.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon