🌻Chapter 52 Royalties Vs. Queens

1.3K 32 0
                                    

Einstein Pov

This is the day ang araw na pinakahihintay ko.

Kami ang nanalo sa Yonhwa kaya makakalaban namin ngayon ang Queens University na pinapangunahan ni Neo Fortaleza.

"Magaling ang mga Queens kaya kelangan niyong ibigay ang buong atensyon niyo sa buong game". Sabi ni Tristan na tumatayong Team Captain ng Royalties.

"At last! Magkakaharap na naman kami ng Neo Fortaleza na yan! Masyadong hambog ang gagong yan". Ngumisi si Drake habang tinutukan niya ng baril-barilan si Neo gamit ang kamay niya.

"Bullseye!". Natatawang sabi nito.

Pare-pareho naman kaming napapailing na lang sa inakto ni Drake. Ang laki din talaga ng galit niya kay Neo sa pagkakaalala ko ay simula pa nong highschool ay hindi na mapapatay-patay pa ang asar nila sa isa't-isa.

If you know what I mean ...Drake's a childish dude kaya putol agad ang pasensya ni Neo and the rest is history.

"This is your first time both of you..I'm looking forward to you guys". Parehong inakbayan kami ni Tristan.

And yeah with that Wilson kami lang naman ang bagong salta sa team.

"But Einstein... I know you're too mad with that Fortaleza pero isipin mo pa ring nasa basketball court tayo kung aasarin ka man niya ay wag mong patulan".

"I can't promise Tristan". Malay ko ba kung talagang maasar na ako kay Neo at siya ang mauna.

"This isn't a battlefield Lee..this is a basketball court basta pinaalala ko lang". Naiiling na paliwanag nito.

Lumapit na din si Coach Harris sa 'min.

"I'm hoping that this year ay mabawi na natin ang trophy ng Queens".

"Don't worry coach, sinasabi ko sayo tatambakan ko ang Queens na yan!".

Napakayabang talaga nitong si Drake pero totoong ang galing ng isip bata na 'to sa totoo nga lang ay mas magaling pa siya kay Tristan at kung hindi sila nag-transfer ng Crossford ay siya ang magiging team captain ng Royalties.

"That's the spirit Giabros I'm looking forward for that". Nag-approve sign naman si Drake kay coach.

"Pressured na tayo ngayon ng dahil sa bubwit na yan". Sabi ng katabi kong si Chase referring to Drake.

"Guess like we must really get that trophy".

As if we have a choice. Ang agang nagbilang ng tuta ang hayup.

"Hey.. I can't promise too that this game wouldn't be bloody".

Si Wilson ang nagsalita at siya ang pumalit sa pwesto ni Chase na don na naman tumabi sa bestfriend niya.

"We're on the same track Wilson". I smirked of what he said.

Kahit man lang sa bagay na 'to ay magkasundo kami.

Bringing that Fortaleza down is our goal aside from playing basketball.

"Interschool Basketball Competition. Yonhwa Royalties Vs. Queens University. Two teams please proceed to the basketball court now".

Nagsigawan ang mga estudyante sa paligid parang mabibingi ka na sa lakas ng tilian nila.

Dito sa Yonhwa pinagdaos ang interschool competition. Mabuti na din at nandito sila sa puder namin kung sakaling may kagaguhan silang gawin mahihirapan sila.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon