🌻Chapter 31 Someone's Jealous

1.8K 49 0
                                    

Sunny Pov

Wala na. Nagtatampo nga ang impaktong 'yun sa'kin.

Flashback
Last Friday Night- First Date ni Sunny at Einstein

"I don't like that guy".

Bigla na lang sabi ni Einstein sa kalagitnaan ng pagmamaneho.

"Si Keeth? Mabait naman siya..maloko lang ang isang yun..wag mo ng pansinin ang sinabi niya kanina ganon lang talaga siya".

"Can't you see? He likes you Sunny!".

Teka lang huh... Sinusungitan ba ako ng isang 'to?

"Bestfriend lang kami ok?".

"Bestfriend? Talaga lang huh..eh pa'no siya?".

"Einstein naman..pati ba naman si Keeth ay pagseselosan mo?".

"Hindi naman ako magseselos don kung hindi niya pinapakita sa'kin na may ibang motibo siya sayo Sunny".

Grabe naman... Bestfriend lang nga kami!

"Nagbibiro lang nga siya kanina". Medyo nainis na din ako dito.

"Wow joke?? Haha I'm not that dumb para hindi malaman na gusto ka niya higit pa sa isang kaibigan".

Nonsense.

"Alam mo hindi pa nga tayo pero pinagseselosan mo na ang mga lalakeng nasa paligid ko!".

I don't know what gotten me para masabi yun kay Einstein...hindi ko sinasadya.

Biglang huminto ang kotseng sinasakyan namin ni Einstein.

"Einstein.. Hindi yun ang ibig kong sa-".

"Masama bang magselos Sunny? Hindi ko lang kasi talaga mapigilan...nandiyan na nga si Tristan tapos may Keeth na naman". Naramdaman kong nasaktan si Einstein sa sinabi ko kaya mas lalo lang akong nakonsensya.

"Sorry Einstein..".

"And now you're being sorry.. Really Sunny??". Pinaandar niya ulit ang kotse at hindi na kami nag-imikan pa hanggang hindi ko na lang namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay.

"Einstein..".

"I'm tired..pumasok ka na".

Hindi na ako nagsalita pa dahil halata sa boses ni Einstein ang pagtatampo niya kaya lumabas na ako ng kotse akala ko at magpapaalam siya sa'kin bago siya umalis pero walang nangyaring ganon.

*End of Flashback

Kakausapin ko na talaga siya, nababahala na ako sa pagtatampo ni Einstein sa'kin.

"Kausapin mo na si Einstein Sunny... Talagang nagtatampo yun sayo ikaw naman kasi.. Bakit mo ba yun sinabi?".

Ikinuwento ko kasi kay Glitter ang nangyari sa date namin ni Einstein at nauwi lang ito sa tampuhan.

"Promise..hindi ko naman sinasadyang sabihin yun! Nakakainis tong bibig ko at kung anu-ano ang lumalabas dito huhu".

"Naku..ikaw din baka tuluyan ng maahas ni Chanel ang Einstein mo".

At nanakot pa talaga.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon