🌻Chapter 43 Stuck With You

1.6K 96 1
                                    

Sunny Pov

"Ok take care ikamusta mo na lang ako kay Tita".

Ibinaba ko na ang tawag.

Haaaay... Hindi kami magkasabay ngayong umuwi ni Adrian biglaan kasi siyang pinatawag ng mom niya. Family matters I guess.

"Sunny! Ayaw mo bang sumabay sa amin?".

For what? Para maabala ang date nila ni Keeth? No way!

"May date pa kayo". I told Glitter na nasa loob na ng kotse pero nakabukas pa ang bintana para kausapin ako.

"Ihahatid ka nga namin sa bahay niyo". She insisted.

"Wag na susunduin ako ng driver ko".

"Really Sunny? Palagi ka namang hindi masusundo".

Tss. Yeah right kung hindi na kina Mom si Manong na kay Sandy naman.

At tiyaka ang baby ko :( nasa shop at nirerepair pa. Nagkatrouble nong isang araw at dahil yun kay Sandy. Simula kasi nong maging kami ni Adrian nasanay na akong magkasabay kami kaya ang magaling kong kapatid aba't abusada!

"This time masusundo ako sure yan!". Sagot ko naman kahit walang kasiguraduhan.

"Ang kulit mo, halika na sakay na dito Sunny mukhang uulan pa o". Hay, ang kulit talaga ni Glitter eh sa ayaw ko ngang makaistorbo sa date nila.

"Nagtext si Manong Ted masusundo niya ako ngayon kaya shoo na mag-date na kayo".

I got my phone in my pocket nang bigla itong tumunog. Mabuti at nagtext si Manong Ted mukhang susunduin nga niya ako ngayon.

"Weh?".

Nagmartsa ako papalapit sa kotse ni Keeth at ipinakita kay Glitter ang text ayaw pa maniwala ng isang 'to.

"Fine. Basta sure yan huh?". Paniniguro ng makulit kong bestfriend.

"Oo nga! Sige mag-enjoy kayo sa date niyo lovebirds".

Sinamangutan ako ni Glitter at ngiti-ngiting kinawayan naman ako ni Keeth bago sila tuluyang umalis.

"You're alone?".

"Anak ng palaka!".

Muntik ng lumuwa ang puso ko sa sobrang pagkagulat bigla ba namang may nagsalita sa likuran ko.

"You scared me Einstein". Napahawak ako dibdib ko. Bwisit parang kabute talaga ang lalakeng 'to may balak pa ata akong patayin sa gulat.

"Matakutin ka pa din".

"Shut up Einstein". Asar na sagot ko.

"Where's Adrian?". Himala. Tinatanong sa'kin ang new found enemy niya.

"May pinuntahan".

"Hindi ka man lang niya hinatid?".

"I'm the one who insisted na umuwi ng mag-isa".

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon