🌻Chapter 26 Back at One

2.6K 102 1
                                    

Sunny Pov

Peste siya kaya pala hindi niya ako nasundo kanina dahil nagtatago na pala siya sa ex niyang nagbalik na!

Nakakagigil ang sarap pumatay ng nagngangalang Terrence Einstein Lee!!

Kanina pa nag-iingay ang phone ko sa bedside table pero hindi ko 'to pinapansin wala ako sa mood makipag-usap sa kahit sino ngayon pati nga si Sandy ay na weirdohan sa inakto ko, pagkarating ko kasi ng bahay kanina ay agad na akong nagkulong sa kwarto.

Aaaaargggh... Ewan pero talagang nakakairita ang araw na 'to. ><

*TOK *TOK *TOK

SINO BA YANG KATOK NG KATOK??

Inis na nagmartsa ako papunta sa may pintuan.

"Sabi ko diba ayoko ng disturbo nga-".

Pagbukas ko ng pinto ay napanganga ako sa kaharap ko.

"Tris-tan?".

Goodnessy. Si Tristan pala, sinigawan ko pa ng instant.

"You're not accepting my calls..hmm are you busy??".

Nakakahiya naman.

Agad akong umiling.

"No no.. Sorry hindi ko lang napansin ang phone ko".

Akala ko kasi si Einstein yung tawag ng tawag kaya hindi ko sinasagot.

"Is that so? Sorry for barging your house this evening but can we talk?".

Talk. Ok?

"Sige".

Lumabas na din ako ng kwarto at sumunod kay Tristan.

"Ok lang ba kung don lang sa park ng village niyo?".

"Sure".

It must be really private at ayaw niyang pag-usapan dito sa bahay.

Nakita naman kami ni Sandy na pababa ng hagdan at tiningnan niya ako ng nakakaloko. I just rolled my eyes at hindi na lang pinansin ang kapatid kong yun.

*Park

"It's been a week pero ngayon lang ako nagkalakas loob ulit para kausapin ka Sunny... I'm sorry, talagang magulo lang ang utak ko nong mga nagdaang araw but now I'm sure...I decided already".

Bigla akong nanlamig at nakaramdam ng kaba parang alam ko na kung sa'n patungo ang pag-uusap namin ngayon muntik ko na ngang makalimutan ang confession niya last week dahil sa dami ng nangyari.

Hindi tuloy ako mapalagay dito sa inuupuan naming bench.

"Sunny..".

Nagulat ako nang hawakan ni Tristan ang isang kamay ko mas lalo akong kinabahan.

"Ba..kit?".

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon