🌻Chapter 18 Truth

2.4K 61 6
                                    

Sunny Pov

Grabe kinakabahan ako ngayong araw nagmistulang judgement day ko ang midterms goodnessy.

Nag-aral ba talaga ako ng mabuti? Talaga bang pinakinggan ko si Einstein sa mga itinuro niya?? Waaaaaaaa hindi ko maimagine na babagsak ako sa subject ni Ms. Minerva na wag naman sanang mangyari.

2 days ago na ang lumipas simula ng nabrokenhearted ako sa Moa at sinagip ni Einstein sa araw na yun. Laking pasasalamat ko talaga sa lalakeng yun kahit inis pa din ako sa kanya ay malaki ang naitulong niya. He diverted my attention at kung anu-ano ang ginawa namin para mawala sa isip ko si Tristan.

Pero alam niyo ang weird ni Einstein! Kahapon nong tinuturuan niya ako ni hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin tapos ang tipid pa kung magsalita! Problema niya? Akala ko pa naman friends na kami.

Oo kinokonsider ko na siya as a friend kahit hindi na talaga mawala sa amin ang magbangayan kaya lang naninibago ako sa mga kilos niya kahapon at pati na ngayon.

Gaya kanina binati ko lang naman siya sa hallway ng Good Morning pero bigla itong tumalikod at nag-iba ng daan.

O di ba?? Iniiwasan kaya ako ng isang yun? Pero bakit naman?

Kung anuman ang rason niya ay iwawaglit ko muna sa isipan ko sapagkat kelangan kong maipasa ang subject ni Ms. Minerva!

"Goodluck Sunny kaya mo yan! ^^". Encourage ni Glitter sa tabi ko.

"Goodluck din Glitter sana maipasa ko 'to".

Oh my god magsisimula na nga.
Ipinasa na ang mga testpapers sa bawat row at nanginginig ako nang makahawak na ako ng testpaper, grabe mahihimatay yata ako habang magtetake ng exam.

"Relax Sunny, you will pass ok?". Mahinang sabi ni Glitter at tumango lang ako.

"You have an hour to finish the exam, you may start now".

Naku Lord...kayo na po ang bahala 🙏🏻.

-------------------

"O, ano ok lang?".

"May mga nasagutan naman ako pero Waaaaaaaaa not sure ayokong umasa!!".

"Papasa ka I'm sure dahil si Einstein ang tutor mo".

"Sana nga talaga Glitter".

Tapos na ang exam ni Ms. Minerva at nakahinga na din ako ng maluwag kanina lang parang nasusuffocate ako sa loob ng classroom magkahalong pressure, nervous, at takot na bumagsak.

"Gutom na ako, kain muna tayo sa canteen". Deklara ni Glitter.

"Ok".

Naglakad na kami patungong canteen totoo pala talaga na nakakagutom ang exams yung feeling na nakakastress at gusto mo na lang lumamon ng lumamon.

*Canteen

"Ako na ang bibili ng pagkain natin". Sabi ni Glitter at iniwan na ako sa table namin.

...Pero ang tagal niya.

Na'san na ba si Glitter?
Naiinip na ako sa inuupuan ko ang tagal naman niyang makabili ng pagkain kaya tumayo ako para hanapin siya ng mga mata ko nang may dalawang babae na kakaupo lang sa katabing mesa namin na nagchichismisan.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon