BEAUTY WITH BRAINS? No way! She is just CONFIDENTLY BEAUTIFUL ;)
Meet Sunshine Claire Chua a half-blooded Chinese-Filipino and known in the campus as aka "SUNNY". Sure she is famous in Yonhwa University as the most beautiful girl in the campus but...
"Omg! He will killy me!!". Glitter rolled her eyes at my statement.
"Hindi ko talaga sinasadya yung kagabi!". Nahihibang na talaga ako at nagiging sadista na ata ako.
"Oh shut up Sunny! Sinabi ko na sayo di ba na wag mo ng patulan si Einstein? Kilalang-kilala ko ang ugali ng pinsan naming yun! For sure gaganti siya sayo". Paalala ng bestfriend ko.
"Wag ka namang manakot please!". Nakasimangot na sabi ko kay Glitter.
"Ano? Na-realize mo na ang nagawa mo? Alam mo bang hindi kami makatulog ni Kuya kagabi ng maayos dahil sa kakaisip na may world war na magaganap sa inyo?". Hindi makapaniwalang turan ni Glitter na bakas nga sa pagmumukha nito ang matinding pag-aalala sa pagitan namin ni Einstein.
"Glitter ewan ko pero nawalan na talaga ako ng pasensya sa lalakeng yun kagabi siguro dahil may kasalanan din siya sa'kin sa library idagdag na rin yung pang-iinsulto niya huhu".
"Hay naku bahala na kayong dalawa, labas na ako diyan".
"You're true friend..really".
Nginitian lang ako nito ng malapad bago may kinuha siyang libro at nagpanggap na may binabasa.
"Naiihi ako". Sabi ko sabay tayo sa pagkakaupo.
"I'm not a toilet Sunny, pumunta ka ng cr!".
"Bakit ang sama mo ngayong umaga? May regla ka ba?".
Hindi na ito kumibo pa siguro ay tama ang hula ko, hayaan ko na lang baka ako na naman ang masampolan ng flying kick, mabuti ng mag-ingat.
I'm walking na papuntang comforty room at lahat ng mga dinadaanan ko ay napapatingin sa'kin, wala talagang araw na hindi sila nagagandahan sa dyosang ako hihi.
Abala ako sa pag-ngiti sa bawat taong dinadaanan ko nang may biglang pumatid sa'kin kaya sumemplang tuloy ako at nadapa ng instant!
"Aray!". Naiiyak na sambit ko habang hinahawakan ang dumudugong knee ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ooops... Sorry bobo girl, I didn't saw your existence".
Napapikit ako sa inis dahil boses pa lang niya ay kilalang-kilala ko na.
That smarty-nerdy-jerky but very handsome EINSTEIN aaaaargggh...
Tinulungan ko ang sarili na makatayo kahit paika-ika ako napatingin ako sa paligid at may ilang estudyanteng nagpipigil ng tawa malamang nakita nila ang nangyari sa'kin! Bwisit na lalakeng 'to umaga pa lang ay pinapainit na ang ulo ko!
Ito na siguro ang sinasabi niyang ganti sa'kin, nakakatawa! Bitch please..
"Ang lamey ng revenge mo, gusto mo tulungan kita mag-isip?". Sarcastic na sabi ko sa nakangising Einstein.